Home NATIONWIDE Bulacan pinabaha ng bagyong Enteng

Bulacan pinabaha ng bagyong Enteng

Bulacan – Maraming mababang lugar ang binaha at ilang kalsada ang hindii na madaanan ng maliliit na sasakyan dahil sa bagyong Enteng at habagat na sinabayan high tide sa lalawigang ito.

Sa impormsayong nakalap, gabi ng Linggo inumpisahan ang pag-ulan hanggang sinusulat ito bandang 2:00 ng hapon ng Lunes, Setyembre 2 na sinabayan ng 4.3 feet high tide.

Dahil dito, maraming mababang lugar o baybaying lugar ang binaha sa bayan ng Calumpit, Paombong, Hagonoy, Malolos, Guiguinto, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan at Obando.

Nalamang ang DuloTaliptip, Bulakan, Panginay Guiguinto/Balagtas, Tabing Ilog, Marilao at Macaiban bridge sa Sta Maria ay hindi na madaanan ng sasakyan sa laki ng tubig.

Samantala, umaga ng Lunes inanunsyo ni Bulacan Governor Daniel Fernando na walang pasok sa pampublikong tanggapan at kanselado ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa naturang bagyo.

Nabatif na angvessential services offices gaya ng health, social service at emergency response ay magpapatuloy sa serbisyo sa publiko.

Sinasabing ang mga ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para sa kaligtasan ng lahat.

Payo ng kinauukulan ang ibayong pag-iingat lalo na sa mga naninirahan sa baybayin o mababang lugar at agad makipag-ugnayan sa kanilang barangay kung kailangan lumikas. Dick Mirasol III