Home METRO Bulacan traffic enforcer sapul ng SUV

Bulacan traffic enforcer sapul ng SUV

MANILA, Philippines- Sugatan ang isang traffic enforcer matapos masagasaan ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Barangay Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan, nitong Martes ng hapon.

Pinamamahalaan ng biktimang si Salvador Marquez Dela Cruz Jr., 51, residente ng Barangay Parada, ang trapiko bandang ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente.

Nadakip ang driver, kinilalang si Philip Cris Antonie Catacutan Baynito, ng Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City, sa pinangyarihan ng insidente.

Nagtamo si Dela Cruz ng serious injuries at isinugod sa pinakamalapit na oispital para gamutin.

Kasalukuyang nakaditine si Baynito sa Sta. Maria Municipal Jail. Ikinakasa na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury laban sa kanya. RNT/SA