Home METRO P36M droga nakumpiska ng NCRPO sa pagpasok ng 2025

P36M droga nakumpiska ng NCRPO sa pagpasok ng 2025

MANILA, Philippines- Nasabat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigit P36 miloyong halaga ng droga mula Jan. 1 hanggang 14 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni NCRPO acting chief Brig. Gen. Anthony Aberin na saklaw ng halagang ito ang 3.73 kg. ng shabu na nagkakahalaga ng P25.42 milyon; 87.61 kg. ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P10.51 milyon. 139.7 gramo ng high-grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P209,550 at 149 piraso ng vape cartridges na naglalaman ng marijuana oil na nagkakahalaga ng P585,440.

Sa parehong period, nakapagsagawa ang NCRPO operatives ng 292 intelligence-driven operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 410 suspek.

“In 2025, the community can be assured that NCRPO’s campaign against illegal drugs will be more relentless, aggressive, and highly-analytical done with utmost regard to the due observance of the Police Operational Procedures and due process of law,” pahayag ni Aberin.

Ang limang distritong saklaw ng NCRPO ay ang Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD), at Eastern Police District (EPD). RNT/SA