MANILA, Philippines- Nagkaroon ang bulkang Bulusan sa Sorsogon ng phreatic eruption nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang phreatic eruption ng alas-4:36 ng umaga at tumagal hanggang alas-5 ng umaga, ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol sa isang panayam.
Naobserbahan ang usok mula sa bulkan na aabot sa 4.5 kilometro, dagdag niya.
Base sa United States Geological Survey (USGS), ang phreatic eruption ay isang “steam-driven explosion” na nagaganap kapag pinaiinit ng magma ang lupa o surface water.
Nagdudulot ang labis na init ng pagkulo ng tubig, na nagreresulta sa pagsabog ng tubig, steam, bato at abo.
“The water, once heated, begins to boil or can even flash straight to steam, causing an explosion,” anang USGS.
Tuwing may phreatic eruptions, hindi nagkakaroon ng bagong magma, tanging “fragments of preexisting solid rock” mula sa bulkan. RNT/SA