Home NATIONWIDE Bulkang Taal nakapagtala ng 2 phreatic eruptions

Bulkang Taal nakapagtala ng 2 phreatic eruptions

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala ang Bulkang Taal ng dalawang phreatic eruption nitong Linggo, Oktubre 13.

Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na ang mga ito ay tumagal ng tatlo hanggang 13 minuto.

Ang phreatic eruptions ay steam-driven explosions na nangyayari kung ang tubig sa ilalim ng lupa ay napapainitan ng magma, lava, mainit na bato, o bagong volcanic deposits.

Naitala rin ang mahinang pagbuga ng plumes na umabot ng 600 metro ang taas.

Nakapaglabas naman ang bulkang Taal ng 1,256 tons ng sulfur dioxide gas nitong Sabado, Oktubre 12 sa Main Crate Lake nito, at upwelling ng mainit na volcanic fluids.

Nananatili ang Alert Level 1 na babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC