BATANGAS, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang nakababahalang pagtaas ng seismic activity sa Taal Volcano sa Batangas nitong Miyerkules.
Sa kanilang morning bulletin, sinabi ng Phivolcs na 31 volcanic earthquakes ang naitala sa nakalipas na 24 na oras. Ang mga lindol ay sinamahan ng 30 volcanic tremors na tumagal ng isang minuto.
Sa isang advisory na inilabas noong Agosto 10, sinabi ng Phivolcs na ang mga istasyon ng Taal Volcano Network (TVN) ay nagtala ng pagtaas sa real-time seismic energy measurement (RSAM) na may patuloy na pagyanig ng bulkan.
May kabuuang 19 na volcanic earthquakes, kabilang ang 21 volcanic tremors, ang naitala ng TVN mula Agosto 9 hanggang 12.
Mula Agosto 1 hanggang Agosto 9, ang Bulkang Taal ay nakapagtala lamang ng apat na volcanic earthquakes at isang volcanic tremor, ayon sa datos ng ahensya.
Tinukoy ng Phivolcs ang mga volcanic earthquakes bilang mga “generated by magmatic processes or magma-related processes beneath or near an active volcano.” RNT/MND