Home OPINION BULLY NG BABAE SA KAMARA BIGYANG LEKSYON

BULLY NG BABAE SA KAMARA BIGYANG LEKSYON

118
0

DALAWANG matapang na babaeng mambabatas ang tumindig laban sa pagsisiga-sigaan ni senatorial aspirant AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa House of Representatives.

Noong Lunes, promal na naghain ng ethics complaint sina Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo at Barangay Health Wellness Party-list Rep. Nica Co laban kay Lee dahil sa pagbabanta sa kanila ng kinatawan ng AGRI habang nagaganap ang debate sa plenaryo para sa 2025 national budget noong Set. 25.

Sinabi ni Quimbo na nilapitan sila ni Lee, dinuro-duro, at pinagsalitaan dahil lang sa gusto nitong magtanong. Ang panunugod ni Lee ay nagresulta sa matinding takot sa kanila ni Co kaya napaiyak na lang sila noong oras na iyon.

“Naghintay ako ng taos-pusong paghingi ng paumanhin. Tinimbang ang pros and cons dahil apektado ang mga indibidwal, pamilya, at institusyon. But in the end, nanaig ang paninindigan para sa kaligtasan ng mga babae dito mismo sa Kamara, the House of the People,” ang parte ng pahayag ni Quimbo sa media.

“But this is not just about me or Cong. Nica alone. This is largely about women’s workspaces being disrespected. Bilang mga babae sa trabaho, hindi dapat tayo tinatakot. Ngayon ko lang naramdaman ang pambu-bully ng isang lalaki sa Kongreso,” pagbibigay-diin niya.

Nilinaw ni Quimbo na bilang vice chairs ng House Committee on Appropriations, hindi nila hawak ni Co na makapamili kung sino ang magtatanong at ang tanging responsibilidad  nila bilang budget sponsors ay sagutin ang interpellators na pinili ng House Minority.

“This is also about unparliamentary behavior. There are many microphones available in the plenary. May rules kung paano magsasagawa ng point of order… At may rules kung paano mag-apela sa presiding officer. This is how order is maintained on the floor. Any member of Congress is expected to know this,” aniya.

Para kay Quimbo, hindi dapat na mangyari sa ibang kakabaihan ang sinapit nilang dalawa ni Co, lalo na sa pinapasukang trabaho o opisina.

“Bilang isang babae, nauunawaan ko ang takot at pangamba na maaaring nararamdaman ng iba. Hindi kayo nag-iisa,” dagdag ni Quimbo.

Itong si Lee na naghahangad ng mataas na pwesto sa pamahalaan ay mukhang halimaw na ngayon sa mga kababaihan. Malamng hindi na siya iboto sa senado ng mga kababaihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here