Home METRO Bundok sa Ilocos Norte nagmala-impyerno sa grass fire

Bundok sa Ilocos Norte nagmala-impyerno sa grass fire

ILOCOS – IniulatĀ  ng Office of Civil Defense (OCD) ang isang grass fire na tumama sa mga kabundukan ng Carasi, Ilocos Norte nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, ang insidente ng sunog ay nagsimula noong Enero 30, 2025, alas-2 ng hapon, at hindi pa natutukoy ang sanhi ng sunog.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang 200 hanggang 300 hektarya ang apektado ng sunog.

Ang sunog ay tumama sa mga bahagi ng Barangay Barbaquezo at Barangay Virbira, at ang halaga ng pinsala ay hindi pa tiyak.

Isinasagawa ang aerial reconnaissance at heli-bucket operations upang apulahin ang sunog, at 87 na responders ang nakatalaga sa lugar.

Tinututukan ng mga awtoridad ang greening program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), isang coffee plantation, at ang Mt. Lamin campsite. Nag-establisa rin sila ng fire break upang mapigilan ang pagkalat ng sunog. RNT