Home NATIONWIDE Buong Luzon dapat na maghanda para sa ‘The Big One’ – OCD

Buong Luzon dapat na maghanda para sa ‘The Big One’ – OCD

MANILA, Philippines- Dapat maghanda ang buong Luzon sa pinangangambahang “The Big One,” tumutukoy ito sa posibleng magnitude 7.2 earthquake sakaling gumalaw ang West Valley Fault.

Sinabi ni Office of Civil Defense administrator Usec. Ariel Nepomuceno na base sa pag-aaral, ang fault ay gumagalaw kada 400 taon at makikita sa historical data na hinog na ito para panibagong paggalaw.

“We are not creating panic, we are trying to raise awareness and concern. Ang maaring mamatay kaagad, there’s no better way of saying it, 30,000 to 52,000,” ani Nepomuceno.

Aniya pa rin, ang buong Luzon at hindi lamang ang Metro Manila ang dapat na maghanda, sinasabing ang buong Luzon island ay gagalaw, na may malakas na pagyanig na mararamdaman sa Central Luzon at Calabarzon.

Ani Nepomuceno, ang unang hakbang ng paghahanda ay tiyakin ang structural integrity ng bahay at gusali at tiyakin na susunod ang publiko sa protocol gaya ng ‘duck, cover, and hold.’ Kris Jose