MANILA, Philippines- Nagbabala ang Management Association of the Philippines (MAP) sa pamahalaan laban sa pagtanggal sa EDSA Bus Carousel, sa halip ay hinimok itong buhayin ang inumiiral na Mabuhay Lanes.
Tinawag ng MAP ang mga panukalang alisin ang dedicated bus lane na “ill-advised,” iginiit na hindi makapagpapaluwag sa halip ay magpapasikip lamang sa trapiko ang pagdaragdag ng panibagong lane para sa private vehicles sa EDSA.
“Any talk of possible dismantling of the EDSA Carousel Line at this stage would be ill-advised. It will be going against the National Transport Policy of 2017 where public transportation is given priority as a mobility solution mandating the DOTr and DPWH to implement and regulate it,” giit ng grupo.
Itinatalaga ng polisiya ang Department of Transportation (DOTr) para pangasiwaan ang transportation networks, habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang responsable sa pagpaplano at pagmementena sa national highways.
Nauna nang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na magsisimula ang EDSA rehabilitation sa Marso, bago mag-host ang bansa ng ASEAN Meetings sa susunod na taon.
Bagama’t may mga suhestiyong tanggalin ang EDSA bus lane, nagbabala ang MAP na hindi ito dapat maganap maliban na lamang kung mapahuhusay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang carrying capacity nito.
Sa halip, inihirit ng MAP na tanggalin ang traffic obstructions at illegal parking sa Mabuhay Lanes sa halip na lisin ang bus lane. RNT/SA