Home HOME BANNER STORY Byahe ng mga bus papuntang Baguio, nabawasan ‘gang 50%

Byahe ng mga bus papuntang Baguio, nabawasan ‘gang 50%

158
0

BENGUET, Philippines – Binawasan ng 30% hanggang 50% ng mga bus company ang biyahe papuntang Baguio dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, sinabi ni Police Lieutenant Colonel James Allen Dogao ng Baguio City Police Office–Traffic Enforcement Unit na mas humaba ang pagitan ng biyahe, na umaabot na sa dalawang oras o higit pa kada alis, mula sa dating 30 minuto hanggang isang oras lalo na tuwing peak season.

Napansin din umano ang pagbaba ng bilang ng mga sasakyan sa loob at labas ng lungsod.

Gayunman, tiniyak ng mga bus company na ibabalik nila ang regular na biyahe kung dadami ang mga turista sa darating na Holy Week at tag-init. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here