Home TOP STORIES Higit 120 cultural sites sa Iran, nasira sa US-Israel strikes

Higit 120 cultural sites sa Iran, nasira sa US-Israel strikes

112
0

TEHRAN, Iran – Hindi bababa sa 120 cultural at historical sites sa Iran ang nasira matapos ang mga airstrike ng United States at Israel mula nang magsimula ang digmaan, ayon sa opisyal ng Tehran city council.

Sinabi ni Ahmad Alavi na kabilang sa mga tinamaan ay mga museo, makasaysayang gusali, at iba pang mahahalagang pook sa iba’t ibang probinsya na nagtamo ng matinding pinsala.

Kabilang sa mga naapektuhan ang UNESCO-listed Golestan Palace, gayundin ang Marble Palace, Teymourtash house, at Saadabad Palace sa Tehran.

Ang Saadabad Palace complex, isa sa pinakapinupuntahang lugar sa kabisera, ay may malawak na parke at mga museo tungkol sa kasaysayan ng Iran, at nagsisilbi ring tirahan ng pangulo at gobernador ng Tehran.

Ayon sa United Nations, apat sa 29 UNESCO-listed sites ng Iran ang nasira sa digmaan, kabilang ang Golestan Palace, Chehel Sotoun Palace sa Isfahan, Masjed-e Jame mosque, at mga sinaunang pook sa Khorramabad Valley.

Nagsimula ang opensiba ng US at Israel noong Pebrero 28, na nagdulot ng malawakang kaguluhan sa Middle East at pagkasawi ng pinakamataas na lider ng Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here