MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) na nabuking ang umano’y dobleng identidad ng Chinese national na si Chen Zhong Zhen matapos magtugma ang kanyang fingerprints sa isa pang pangalan na si Joseph Cue Sy.
Batay sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), iisang tao lang ang gumagamit ng dalawang identidad, matapos makuha ang fingerprint records mula sa NBI clearance.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na kamakailan ay nakatanggap ang ahensya ng dactyloscopy report mula sa National Bureau of Investigation (NBI), na nagpapatunay na magkapareho ang fingerprints ni Chen Zhong Zhen at ng isang indibidwal na kinilalang si Joseph Cue Sy.
Nakuha ang naturang fingerprints mula sa mga rekord ng NBI clearance, na nagsisilbing matibay na ebidensyang forensic na iisang tao lamang ang gumagamit ng dalawang identidad.
Dagdag pa ni Viado, humingi na rin ng tulong ang BI sa Office of the Solicitor General (OSG) upang tuklasin ang lahat ng legal na WAremedyo at matiyak na maisusulong ang kaso hanggang sa pinakahuling antas.
“Uubusin namin ang lahat ng legal na paraan upang mapanagot ang mga taong nagtatangkang linlangin ang mga awtoridad sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang identidad,” aniya. JAY Reyes