Home OPINION CALOOCAN KUNSINTIDOR SA PROSTITUSYON?

CALOOCAN KUNSINTIDOR SA PROSTITUSYON?

NOONG bata pa tayong peryodista, talamak na ang prostitusyon sa Lungsod ng Caloocan.

Noong Circa nuventa, sa paligid ng Monumento ni Bonifacio, kakawayan ka ng mga kumukutitap na mga ilaw para pumasok sa mga establisimiyentong may mga babaeng nagbebenta ng aliw.

Maeengganyo ka dahil kahit ka sa lumingon ay may mga bahay-aliwan.

Mula sa beer joint, beer house, beer garden, cabaret, music lounge, KTV o ano pang tawag dyan kapag pinasok mo, lahat ay may kababaihang itinutulak ng mga may-ari upang magbenta ng laman.

Ngayong bata pa rin tayo (ang isip, hehehe), aba’y uso pa pala ang prostitusyon sa Caloocan.

Nawala nga ang mga sikat at malalaki noong night club na may “tsuktsakan” pero may mga bago namang pumalit na mga putahan, sa ibang anyo o sa ibang level.

Halimbawa itong MARINE ONE BAR AND SPA sa 6th Floor ng Nice Hotel o sa 1798 McArthur Highway Caloocan City, ibang level kung magbenta ito ng laman ng mga batang babaeng masahista.

Gumagamit ito ng social media gaya ng FB page, Tiktok at Instagram para ipagmalaki, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo na mayroong PUTAHAN sa Caloocan.

Kung ako ay taga-Caloocan, mahihiya ako nang sobra dahil ang aming lungsod ay ipinakikila bilang pugad ng prostitusyon.

At kung isa akong opisyal ng Caloocan City Hall, aba’y lalo akong mahihiya na baka isipin eh, suki pa ako o isa sa tumitikim ng laman diyan sa MARINE ONE.

Pero alam n’yo ba na may isang walanghiyang opisyal ng Caloocan City Hall na sinasabing sumosyo pa sa mga Chinese businessmen sa operasyon ng MARINE ONE? Ang tigas din ng mukha, di ba?

Kaya naman pala malakas ang loob nitong MARINE ONE e dahil mayroon silang sinasandalan sa City Hall. 

Mayor Along Malapitan, baka kilala n’yo ang opisyal na ‘yan at baka puwedeng pakibatukan. 

May mga naririnig din tayong mga PNP Generals, NBI at DILG officials na palihim  na nagpupunta sa MARINE ONE para magpamasahe at dumale ng mga batang masahista. Sanamagan!