MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator-elect Camille Villar nitong Sabado, Mayo 17, na bukas siya sa imbestigasyon sa serbisyo ng PrimeWater Infrastructure Corp. kung ito umano ang nais ng publiko.
“As I have said prior to elections, kung yan ang gusto ng mayorya ng tao ay wine-welcome po natin ‘yan,” ani Villar.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinagot ng isang Villar ang tanong patungkol sa isyu ng PrimeWater.
Ang PrimeWater Infrastructure Corp. ay pagmamay-ari ng Villar family. RNT/JGC