Home HOME BANNER STORY Kaso ng COVID sa bansa, pababa – DOH

Kaso ng COVID sa bansa, pababa – DOH

MANILA, Philippines – Pababa pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, sinabi ng Department of Health nitong Sabado, Mayo 17.

Ito ay kasunod ng mga ulat ng pag-arangkada ng mga kaso ng COVID-19 sa ibang parte ng Asya.

Sa report, tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Singapore, Thailand, at Hong Kong.

Siniguro naman ng DOH na walang dahilan para ma-alarma sa oras na ito.

”We are actively coordinating through established mechanisms like the ASEAN. This gives us verified information, boosting readiness even as we see no cause for alarm,” saad sa pahayag ng DOH.

Hanggang noong Mayo 3, 2025, iniulat ng DOH na ang mga kaso ng COVID-19 at mga nasawi sa sakit ay bumaba ng 87% mula 2024.

Nasa 1,774 kaso lamang ang naitala sa bansa ngayong taon, mula sa 14,074 kaso noong 2024.

Ang case fatality rate ay nasa 1.13 percent naman.

Tinukoy din ng DOH ang downward trend sa mga kaso sa nakalipas na linggo. Sa pagitan ng Abril 6 at 19 ay mayroon lamang 65 kaso, mas mababa sa 71 kaso mula Marso 23 hanggang Abril 5.

Dagdag ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc., wala ring naitatalang pagtaas sa konsultasyon at COVID-19 admissions ang mga hospital infection control department.

“PSMID emphasizes that various respiratory infections can cause symptoms similar to those of COVID-19. Some of these infections may be prevented by vaccination.”

”We should all remain vigilant, continue practicing preventive measures, and maintain healthy lifestyles to reduce the risk of respiratory infections.”

Sa kabila nito ay hinimok ng DOH ang publiko na sundin pa rin ang mga basic health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng sakit hindi lamang ng COVID-19. RNT/JGC