Home NATIONWIDE Higit 758K EB members tatanggap ng dagdag na P1K honorarium

Higit 758K EB members tatanggap ng dagdag na P1K honorarium

129
0

MANILA, Philippines – Tatanggap ng karagdagang P1,000 honorarium ang mga miyembro ng Electoral Boards (EBs) na nagsilbi noong May 12 midterm elections, inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, Mayo 17.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na pormal niyang hiniling sa Department of Budget and Management (DBM) na magbigay ng karagdagang, tax-free compensation sa mga poll workers bilang pagkilala sa kanilang dedikadong serbisyo.

Inendorso ng DBM ang paglabas ng kabuuang P758,459,000 para sa karagdagang kompensasyon, na agad namang inaprubahan ng Office of the President.

Nagpasalamat si Garcia sa DBM at sa Office of the President sa agarang pag-aksyon sa kahilingan ng Comelec.

Bago ang Araw ng Halalan, itinaas na ang honoraria para sa mga miyembro ng electoral board.

Ang sahod ng EB chairperson ay tumaas mula P10,000 hanggang P12,000, habang ang mga poll clerk at ikatlong miyembro ng board compensation ay mula P9,000 hanggang P11,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here