Home NATIONWIDE Canada namuhunan ng $28.15M sa PH climate, healthcare initiatives

Canada namuhunan ng $28.15M sa PH climate, healthcare initiatives

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Canadian government ang $28.15-million investment para suportahan ang Pilipinas sa pagsisikap nito para sa “climate adaptation, resilience laban sa natural disasters, at paghusayin ang health care services.”

Ang anunsyo ay inihayag ni Canada Minister of International Development Ahmed Hussen sa government website nito kung saan tinukoy nito ang 75 taon ng “strong bilateral relations” sa pagitan ng dalawang bansa.

“Canada and the Philippines share a close relationship. During my recent visit to the region, I met with local leaders to discuss our important shared work on improving biodiversity protection, climate adaptation, women’s empowerment, and health-care services — all areas that Canada is supporting through its development assistance,” aniya pa rin.

“By working together, we’ll build healthier and more resilient communities in the Philippines and here at home,” dagdag na wika nito.

Susuportahan ng nasabing investment ang Forest Foundation Philippines ng $8-million project na naglalayong tumulong sa “financing at capacity building” para suportahan naman ang “gender-responsive, nature-based solutions” sa climate change at biodiversity loss.

Sakop din nito ang Alinea International sa $12.5-million project na sumisentro sa pagpapalakas ng kakayahan ng national at local governments, at maging ng women-led organizations, hinggil sa gender-responsive climate adaptation.

Kasama rin ang Plan International Canada sa $7-million project na sumusuporta sa health-promotion campaigns, at palakasin ang serbisyo sa remote communities, kasama ang pagsasanay para sa local health practitioners bilang tie-up sa University of Montréal School of Public Health.

“The projects announced today demonstrate Canada’s commitment to addressing global challenges such as climate change and biodiversity loss,” ayon naman kay Canada’s Parliamentary Secretary to the Minister of Foreign Affairs Robert Oliphant.

“The Philippines and Canada have shared a close partnership, built on shared values and close people-to-people ties, for decades. Our government will continue to be there for the Philippines through our development programming,” dagdag na wika nito. Kris Jose

Previous articlePOGO, gambling establishments sa Pasig ikinandado
Next articleConstruction worker patay nang mahulog sa ginagawang gusali