MANILA, Philippines- Bumisita si Canadian Armed Forces chief of the defense staff General Marie Annabelle Jennie Carignan sa Pilipinas at nakipagpulong sa kanyang counterpart na si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. nitong Miyerkules.
Sinabi ng AFP na tinanggap ni Brawner si Carignan sa courtesy visit nito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
“During the meeting, both leaders reaffirmed their shared commitment to regional peace and security, underscoring the importance of mutual support in joint operations and training programs,” wika ng AFP.
“General Brawner also expressed his appreciation for Canada’s ongoing assistance in strengthening the AFP’s capabilities, particularly in capacity-building initiatives,” dagdag nito.
Inihayag ng AFP na ipinakikita ng pagbisita ni Carignan ang pagsisikap ng Philippine military na paigtingin ang kooperasyon nito sa “like-minded countries” at palakasin ang shared commitment nito sa regional peace at security. RNT/SA