
MANILA, Philippines- Tumaas ang bilang ng validated election-related incidents sa 12 bago ang May 2025 polls, base sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules.
Sinbi ng PNP nitong Martes na 10 sa validated ERIs ang “violent” habang dalawa ang “non-violent.”
Ang rehiyon na may pinakamaraming validated ERIs ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa limang kaso, sinundan ng Cordillera Administrative Region ar Western Visayas sa tig-dalawa.
Naiulat naman ang tig-isang validated ERI sa Ilocos Region, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen.
Bineberipika pa ng PNP ang kabuuang tatlong suspected ERIs sa BARMM at Zamboanga Peninsula.
Samantala, sinabi ng PNP na kabuuang 2,105 indibidwal ang nadakip dahil sa paglabag sa election gun ban mula nang mag-umpisa ito noong January 12.
Karamihan sa nadakip na gun ban violators ay naiulat sa Metro Manila sa 693, sinundan ng Central Visayas sa 287 at Central Visayas sa 286.
Kabilang sa mga naarestong suspek ang mga sumusunod:
16 PNP personnel
12 Armed Forces of the Philippines personnel
pitong elected government officials
anim na tauhan mula sa ibang law enforcement agencies
apat na CAFGU Active Auxiliary
isang communist rebel
11 foreign nationals
tatlong children in conflict with the law
36 security guards
2,007 sibilyan