Home HOME BANNER STORY MMDA personnel arestado sa ‘salary deduction scheme’

MMDA personnel arestado sa ‘salary deduction scheme’

MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na ilang empleyado sa ilalim ng payroll division nito ang nadakip dahil sa umano’y “salary deduction scheme.”

Sinabi ng MMDA na nadiskubre ng ahensya ang modus noong nakaraang linggo.

“These unscrupulous personnel found a way to manipulate the computerized payroll system, unlawfully took small amounts from the salaries of targeted employees, and diverted those amounts to their own accounts,” pahayag ng MMDA.

Naghain na ng reklamo si MMDA chairperson Romando Artes habang pinangunahan ni MMDA general manager Procopio Lipana ang pag-aresto sa mga sangkot na empleyado.

Nagsagawa na rin ng inquest proceedings laban sa mga kaukulang empleyado, ayon sa MMDA.

“As further investigations are being conducted, a deeper conspiracy was exposed, with the alleged involvement of other employees,” pahayag ng MMDA.

Habang inihahanda ang formal complaints, isinailalim ang mga nasabing empleyado sa preventive suspension, base sa MMDA.

Gumugulong naman ang internal audit at imbestigasyon at nagsagawa na ng mga hakbang upang hindi na maulit ang kaulat na insidente sa hinaharap, base sa ahensya.

Tumanggi ang MMDA na magbahagi ng iba pang impormasyon ukol sa insidente dahil maaari umano nitong makompromiso ang imbestigasyon. RNT/SA