Home NATIONWIDE Car benefits ng Philrice sa mga empleyado nito, bawal sa batas –...

Car benefits ng Philrice sa mga empleyado nito, bawal sa batas – SC

MANILA, Philippines – Iniutos ng Supreme Court ang disallowance sa pagbabayad ng monthly amortization sa mga pribadong sasakyan na nasa ilalim ng car benefit plan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Sa desisyon na iniakda ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, ibinasura ng Supreme Court En Banc ang petition for certiorari ni Sophia T. Borja at iba pa na umaapela sa naging ruling ng Commission on Audit (COA) na hindi payagan na bayaran ng PhilRice ang amortization ng mga pribadong sasakyan dahil sa pagiging lubhang tiwali.

Ayon sa Korte Suprema, hindi ito kasama sa benepisyo na pinapayagan sa ilalim ng batas.

Nitong 2008 bumuo ang Board of Trustees (BOT) ng Philrice ng car plan program para ma-enganyo ang mga magagaling at karapat-dapat na opisyal at kawani nito para manatili sa institute.

Gumagana ang car plan bilang rental plan kung saan ang mga qualified officials at employees ay makakabili ng gusto nilang sasakyan sa pamamagitan ng financing scheme ng Philippine National Bank (PNB) sa tatlong taon na maaring bayaran ng monthly installment basis.

Ang mga nasabing sasakyan ay ipaparenta sa PhilRice para magamit sa operasyon at ang bayad sa renta ang ginagamit upang mabayaran ang mga biniling sasakyan.

Taon 2013 nagpalabas ang Commission on Audit (COA) ng Notice of Disallowances laban sa mga naging gastos sa ilalim ng car plan scheme.

Ayon sa COA, iregular ang car plan program dahil hindi naman ito aprubado ng Pangulo at hindi kabilang sa exemptions sa ilalim ng Section 12 ng Republic Act No 6758 o Compensation and Position Classification Act of 1989.

Pinagtibay ng SC ang naging findings ng COA na labag sa batas ang naturang programa dahil sa ilalim ng Section 12 ng RA 6758,ang lahat ng allowances at fringe benefits na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno maliban sa kanilang nasic salary ay ipinagsama na sa standardized salary rates.

“Thus, the additional allowance pursuant to the car benefit plan of PhilRice, in the guise of monthly amortization payments of petitioners’ private vehicles, is utterly devoid of legal basis.”

Samantala, idineklara ng Korte na walang pananagutan ang Philrice para ibalik sa kaban ng bayan ang halos ₱11 milyon na nagastos sa car plan program. Teresa Tavares

Previous articleMaguindanao ambush salamin ng “malagim na katotohanan” ng problema sa terorismo sa Pinas – VP Sara
Next articleAndi, sinita sa throwback pic!