Home NATIONWIDE Maguindanao ambush salamin ng “malagim na katotohanan” ng problema sa terorismo sa...

Maguindanao ambush salamin ng “malagim na katotohanan” ng problema sa terorismo sa Pinas – VP Sara

MANILA, Philippines – BINIGYANG diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pangangailangan para sa “collective action” para lutasin ang umiiral na problema sa terorismo sa bansa.

Sa isang kalatas, ikinalungkot ni VP Sara ang masakit na katotohanan matapos na apat na sundalo ang nasawi makaraang tambangan ng teroristang Dawlah Islamiyah (DI) sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur, Linggo ng umaga.

“Terrorism remains a fundamental problem that requires our collective action as a nation. Lumaban tayo kontra terorismo,” ayon kay VP Sara.

Nito lamang Marso 17, tinambangan ang apat na sundalo na pawang miyembro ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army at 3rd Army Cavalry ng 601st Infantry Brigade ng pinaghihinalaang di umano’y Daulah Islamiyah terrorists sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan habang pabalik na sana ang mga sundalo sa kanilang kampo mula sa pang-araw-araw na gawain.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Cpl. Crezaldy Espartero, Private 1st Class Carl Araña, Privates Jessie James Corpuz at Marvin Dumaguing, na nabibilang sa Army’s 40th Infantry Battalion at 3rd Cavalry ng 601st Infantry Brigade.

Bilang isang Mindanaoan, ibinahagi ni VP Sara na nasaksihan niya kung paano ang “violence spawned poverty, lack of livelihood, internal displacement, and inequitable access to education opportunities” para sa mga kabataan at gawin ang “violence of radicalism more appealing to them.”

“Suportahan natin ang edukasyon ng kabataan. Suportahan natin ang ating kasundalohan sa pamamagitan ng pagbigay impormasyon tungkol sa kalaban,” ayon kay VP Sara.

“I-akyat natin sa mga lokal na pamahalaan ang pagbigay prayoridad sa seguridad natin bilang mamamayan,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose

Previous articleDOH: P17.1 B health emergency allowance nailabas na
Next articleCar benefits ng Philrice sa mga empleyado nito, bawal sa batas – SC