Home NATIONWIDE DOH: P17.1 B health emergency allowance nailabas na

DOH: P17.1 B health emergency allowance nailabas na

MANILA, Philippines – Nailabas na sa mga kwalipikadong public at private health workers ang kabuuang P76.1 bilyong halaga ng health emergency allowance (HEA) ,ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang halaga ay sumasaklaw sa 8,549,207 claims para sa panahon ng Hulyo 1,2021 hanggang Hulyo 20,2023.

“For Fiscal year 2024, the General Approriation Act gave only P19.9 billion for HEA under programmed appropriations “, sabi ng DOH.

Sinabi ng DOH na nakapaglabas ito ng P19.7 bilyon o 99 percent ng P19.9 bilyon sa lahat ng eligible health facilities .

Nangangailangan pa rin ito ng tinatayang P27 bilyon para mabayaran ang mga atraso na inihain ng mga health facilities.

“we continue to work hand-in-hand with the Department of Budget and Management to grant HEA to all eligible health workers. We are ready to release the funds as soon as the concerned private and LGU (local government unit) hospitals will comply with the law that requires liquidation, “ sabi ng DOH.

Ang batas ay nag-aatas sa DOH na magkaroon ng memorandum of agreement at maghintay para sa full liquidation ng LGU at private hospitals ng HEA funds na nabayaran nab ago ang kasunod na paglabas ng karagdagang pondo.

May listahan naman ang DOG ng mga ospital at health facilities na ito na may outstanding liquidadtion requirements.

Nakikipagtulungan ito sa mga pribado at LGU-owned hospitals at health facilities sa pamamagitan ng Cenetrs for Health Development nito sa mga rehiyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleSharon Cuneta, nag-sharon!
Next articleMaguindanao ambush salamin ng “malagim na katotohanan” ng problema sa terorismo sa Pinas – VP Sara