Home ENTERTAINMENT Sharon Cuneta, nag-sharon!

Sharon Cuneta, nag-sharon!

Manila, Philippines- As of this writing, umabot na sa 3.7 million views ang Instagram video na ipinost ni Ciara Sotto.
Si Ciara ay pinsang buo ni Sharon Cuneta.

Ciara’s mom Helen Gamboa is the sister of Sharon’s late mom Elaine Cuneta.

Kinaaliwan nga ng mga netizens at kapwa celebrities ang nasabing video kung saan kinanta ng Megastar ang linya mula sa kanyang awiting Bituing Walang Ningning.

“Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…” banat ni Sharon habang inilalagay sa dala niyang Japanese container ang pagkain, kabilang na ang chitcharong bulaklak.

Kapwa sila um-attend ng handaan ni Ciara ng isang kaanak.
Depensa naman ni Sharon, ipinagpaalam naman niya ang kanyang pagbabalot ng pagkain.

Ang iuuwi o ite-take home niyang Japanese food at chicharong bulaklak ay para raw sa kanyang mister na si Kiko Pangilinan, mga anak at babies.

Dahil with consent naman daw ‘yon ay hindi na nahiyang mag-“Sharon” ng pagkain si Sharon.

Maging ang mga kapwa celebrities ay naaliw kay Sharon.

Naging tradisyon na sa ating mga Pilipino na magbalot ng mga pagkain sa handaan lalo’t kung sobra ito at nakakain nang lahat ang mga bisita.

Kaysa masira o masayang, mismong ang nag-iimbita sa okasyon ang nagpupumilit na iuwi ang mga pagkain. Ronnie Carrasco III

Previous articlePondo sa bakuna ng seniors taasan – health expert
Next articleDOH: P17.1 B health emergency allowance nailabas na