Home HEALTH Pondo sa bakuna ng seniors taasan – health expert

Pondo sa bakuna ng seniors taasan – health expert

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang eksperto sa kalusugan na dapat maglaan ang gobyerno ng malaking pondo para sa libreng vaccination sa lahat ng senior citizens.

Sa media forum, sinabi ni Philippine College of Physician president Rontgene Solante na hindi dapat limitado a influenza o pneumonia shots ang libreng bakuna para sa mga nakatatanda .

Binanggit ng health expert na ang mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay ibinibigay sa mga matatanda nang libre dahil sa pandemya.

Gayunpaman, kulang ang gobyerno ng isang malawak na program na may kinalaman sa mga bakuna para sa pulmonya,trangkaso,respiratory syncytial virus at shingles.

Sinabi ni Philippine Foundadtion for vaccination executive director Dr. Lulu Bravo na dapat tugunan ng ational government ang mataas na kaso ng dengue at tigdas na parehong maiiwasan sa bakuna.

“If the Philippines does not do something and does not intervene, our country will be full of measles and polio. No one will come to the Philippines if you have a lot of dengue, measles, polio, and all the influenza that we have,” sabi ng eksperto.

Ayon sa datos ng National Immunization Coverage 2022, ang Pilipinas ay isa sa nangungunang limang bansa na may pinakamaraming bilang ng mga zero-dose na bata sa buong mundo sa East Asia at Pacific Region.

Noong Agosto 2023, inilunsad ng DOH ang programa upang bakunahan ang 95 percent ng batang Filipino laban sa vaccine-preventable diseases like polio, measles at rubella. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDigong, PBBM may respeto sa kapasyahan ko bilang babae – VP Sara
Next articleSharon Cuneta, nag-sharon!