Home NATIONWIDE Ombudsman probe ikinasa sa reklamo ni De Lima vs SolGen

Ombudsman probe ikinasa sa reklamo ni De Lima vs SolGen

MANILA, Philippines – Pag-aaralan ni Solicitor General Menardo Guevarra ang mga susunod na hakbang kaugnay sa reklamong isinampa laban sa kaniya ni dating Senador Leila de Lima.

It ay matapos katigan ng Court of Appeals ang petisyun ni De Lima at binaligtad ang desisyun ng Ombudsman na nagbasura sa reklamo ng dating senador laban kina Guevarra at dating Justice Secretary Vitallianio Aguirre.

Dahil dito, hiniling ni De Lima sa Office of the Ombudsman na simulan agad ang imbestigasyon laban kina Guevarra at Aguirre hinggil sa posibleng administrative liability ng mga ito sa pagamit ng mga preso upang tumestigo laban sa kaniya kaugnay sa illegal drug charges.

Ayon kay Guevarra wala pa siyang natatangap na notice mula sa Ombudsman hinggil sa reklamo ni de Lima.

Sa sandali aniyang kumilos na ang Ombudsman sa reklamong isinampa ni de Lima ay pag-aaralan na niya ang reklamong isinampa laban sa kanya.

Muling iginiit ni Guevarra na ang paghawak niya sa drug cases laban kay de Lima sa panahon na siya ang justice secretary ay naaayon sa itinatakda ng batas. Teresa Tavares