Home Uncategorized Digong, PBBM may respeto sa kapasyahan ko bilang babae – VP Sara

Digong, PBBM may respeto sa kapasyahan ko bilang babae – VP Sara

MANILA, Philippines – SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi niya kailanman tinatalakay ang poltika sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil kapuwa aniya ginagalang ng mga ito ang kanyang kapasyahan bilang babae.

Sa isang kalatas, sinabi pa rin ni VP Sara na hindi siya kailanman pinakialaman ng kanyang ama at ni Pangulong Marcos sa kanyang mga desisyon bilang isang politiko.

“Politics is a matter that I have not discussed with former President Rodrigo Duterte, nor have I discussed my positions on national issues with President Ferdinand Marcos Jr.,” aniya pa rin.

“It is clear that both men are blessed with the heart to respect the will of a woman,” dagdag na wika nito.

Sa kabila nito, sinabi ni VP Sara na kapuwa ang kanyang ama at Pangulong Marcos ay mayroong “similarly expressed concerns over my well-being.”

“I assured them that I would take care of myself as I carry out my duties and responsibilities as Vice President and the Secretary of the Department of Education,” giit nito.

“Both leaders are also gifted with the wisdom to know that I am not a problem and I do not need to be solved, rather, this is the time to focus on the work that needs to be done for the country,” dagdag na pahayag ni VP Sara.

Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos magtaka ang ilang mambabatas sa kanyang presensiya sa prayer rally na idinaos ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at lider na si Apollo Quiboloy, na nahaharap ngayon sa pang-aabuso at iba pang reklamo na nakahain sa komite ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Subalit, ipinagbikit-balikat lang ni VP Sara ang bagay na ito at binigyang-diin ang pangangailangan na lutasin ang mga pambansang usapin.

“Halimbawa nito ay ang kalidad ng edukasyon, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasama na ng pagkain, at ang isyu ng terorismo, kriminalidad, kawalan ng katiyakan ng ating seguridad at kapayapaan,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous article14 sa 57 priority bills naisabatas na
Next articlePondo sa bakuna ng seniors taasan – health expert