Home METRO ‘Car-free Sunday’ sa Roxas Blvd aarangkada simula May 26

‘Car-free Sunday’ sa Roxas Blvd aarangkada simula May 26

135
0

MANILA, Philippines – Isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard tuwing Linggo, simula Mayo 26.

Nilagdaan na ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Ordinansa Blg. 9074, o ang Move Manila Program, upang bigyan ang mga residente at bisita ng mas malawak na espasyo para sa paglalakad, pag-jogging, pagbibisikleta, pagtakbo, at iba pang uri ng ehersisyo.

Sa ilalim ng bagong ordinansa ng lungsod, ang mga kalsada sa hilaga at timog-silangan ng Roxas Boulevard—mula Padre Burgos Circle hanggang Quirino Avenue—ay isasara sa mga sasakyan mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. tuwing Linggo. Sa lugar na ito, ang mga residente at bisita ay maaaring gumawa ng mga pisikal na aktibidad.

“Ang pagpapatupad [ng car-free Sunday] sa Roxas Boulevard ay magbibigay ng panibagong pananaw sa nakasanayan nating pangunahing kalsadang punong-puno ng mga sasakyan,” ani Lacuna sa Facebook post nito.

Bukod sa mga benepisyong pangkalusugan, inaasahan din ng ordinansa na mabawasan ang polusyon sa kahabaan ng kalsada ng Maynila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here