Home ENTERTAINMENT Carla, may emote kay Tom!

Carla, may emote kay Tom!

Manila, Philippines – Why only now?!

Ito ang nagkakaisang tanong ng mga netizens sa nakapanood ng latest hanash ni Carla Abellana.

Tungkol kasi ‘yon sa dating asawang si Tom Rodriguez.

Bale ba, tila itinaon ng Kapuso actress ang kanyang pag-e-emote makaraang may “partial reveal” ang aktor sa hitsura ng kanyang mag-ina sa social media.

Likod lang kasi ang ipinasilip ni Tom ng anak na si Korben at maging ang non-showbiz partner niya.

Habang pinagpipistahan nga ‘yon sa social media, biglang lumantad si Carla.

May kinalaman ang hanash niya sa kanyang pagtitiis daw nang pitong taon bago sila ikinasal ni Tom.

Sa piling daw kasi ng aktor noong time na ‘yon ay bawal kay Carla na magalit, magtampo at magreklamo.

Kumbaga, sinisikil daw ni Tom ang kanyang mga damdamin.

Ganoon naman pala, eh, bakit pinakasalan pa ni Carla si Tom noong 2022?

Tatlong buwan lang kasi ang inabot ng kanilang married life at nakipaghiwalay na si Carla.

Kaya tanong ng mga netizens–what does Carla hope to achieve sa pagsambulat ng hanash niyang ito?

Bakit noon ay hindi siya nagsalita?

Ayon sa mga netizens, bagama’t valid daw ang kuwento ni Carla, kumbaga sa ulam ay “panis” na ito! Ronnie Carrasco III