Home ENTERTAINMENT Carlo aminadong may sinukuan!

Carlo aminadong may sinukuan!

Manila, Philippines – Matipid at very safe si Carlo Aquino sa pagsagot ng mga tanong ng entertainment media sa ginanap na mediacon ng Viva One Original Series na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko. Kapartner niya sa nasabing series si Coleen Garcia.

Sa isang indirect question na kung meron na ba siyang sinukuan ay sumagot si Carlo.

FYI, umamin na si Charlie Dizon na sila na ang mag-on ngayon ni Carlo at hindi naman maganda ang kinahantungan ng relasyon nila ng kanyang ex na si Trina Candaza.

“Oo, meron na akong sinukuan but not neccesarily tao, pwede rin namang trabaho,” ang short answer ni Carlo.

Sa isang tao, susukuan daw ‘yun ni Carlo kapag apektado na ang kanyang mental health.

“Importante kasi ‘yan, kapag amg feeling ko, e, nai-stress na ako, wala na ‘yung balance ko at kapag naapektuhan na ang trabaho ko, kailangan ko na talagang sumuko,” sabi niya.

Hindi na rin siya pinilit ng media since mukhang umiiwas si Carlo na pag-usapan ang kanyang current lovelife at ang kanyang ex.

Anyway, may nga intimate scenes sila ni Coleen sa serye pero hindi raw ‘yun malala.

“Hindi ‘yun pang-Vivamax, pang-Viva One,” biro pa niya.

“Sa isang dinner namin ni Coleen, halos hindi ako nakapagsalita sa ganda niya,” biro niya ulit.

Masakit at malalim ang hugot ng seryeng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.

Kasama rin sa serye sina Ryza Cenon, Jerome Ponce, Rhen Escano, Kiko Estrada, Andrea Del Rosario, Jeric Raval, Maricel Morales, Jojo Abellana, Jourdanne Castillo, at Andrew Muhlach. Ito ay dinirehe ni Carlo Catu based sa best selling book ni Marcelo Santos na gumawa rin ng mga librong Para Sa Hopeless Romantic at Para Sa Broken Hearted.

Abangan ang isang limited series na mag-iiwan ng sakit at kirot sa inyong mga puso, at tuturuan tayo kung paano mapamahal at magbigay ng ilang ulit na pagkakataon.

Ang Kung Hindi Lang Tayo Sumuko ay streaming na exclusively sa Viva One simula sa August 21, 2023. JP Ignacio