Home ENTERTAINMENT Carlos at Chloe, pasok sa Batang Quiapo?

Carlos at Chloe, pasok sa Batang Quiapo?

Manila, Philippines- Hashtag Tanggold.

Nakakaintriga ang nasabing hashtag, na pinagsamang Tanggol at gold.

Obviously, ang Tanggol na tinutukoy ay ang karakter ni Coco Martin sa Batang Quiapo.

At ang “gold” naman ay ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

So, what’s in the hashtag?

Nagkita kasi sina Coco at Carlos nang mag-courtesy call ang huli sa mga ABS-CBN bosses.

Balitang may offer si Coco kay Carlos to appear in Batang Quiapo.

Mukhang package deal ang ending.

Ito’y dahil posibleng isama na rin ang nobya ni Carlos sa BQ na si Chloe San Jose.

Bale ba, ang nagma-manage daw sa showbiz career ni Chloe ay ang dating handler ni Coco.

If ever, may TV career na ang magkasintahan.

Kamakailan, isinulat namin dito sa Remate Online na interesado ang Vivamax na kunin si Chloe for a possible movie with Mark Anthony Fernandez.

If may offer din si Chloe to guest on BQ alongside Carlos, magandang magkaroon muna siya ng baptism of fire sa TV.

Kaya huwag nang magulat kung isa sa mga weeknights na ito’y bubulaga sina Carlos at Chloe sa BQ! Ronnie Carrasco III