Home ENTERTAINMENT Carlos, inisnab ang kaarawan ng ama!

Carlos, inisnab ang kaarawan ng ama!

142
0

Manila, Philippines- Naging ganap sana ang kasiyahan ni Mark Andrew Yulo sa kanyang birthday celebration kamakailan kung kumpleto ang kanyang pamilya.

Si Mark Andrew ang ama ng two-time gold medalist nitong nakaraang Paris Summer Olympics na si Carlos.

Si Angelica, maybahay ni Mark Andrew, ang nag-post ng mga litrato at video sa social media.

Ani Angelica: “Celebrating Mark Andrew’s birthday. Thanks to our sponsor Miss Jojie and her husband!”

Idinaos ang affair sa Newport World Manila.

Mapapanood din sa video ang kantahan at sayawan ng pamilya, maliban sa anino ni Carlos.

Patunay lang ‘yon ng napakong pangako ni Carlos na makikipagkita sa kanyang pamilya when he arrived victorious from Paris.

Matatandaang Carlos acknowledged Mark Andrew in the welcoming crowd.

Kaso’y sa dami ng mga nagpapa-autograph sa kanya’y hindi niya masyadong nakakawayan ang ama.

“Pero kitakits!” ang binitiwang pangako ni Carlos.

Dahil sa pang-iisnab nito sa kaarawan ng ama’y lalong nanggalaiti sa galit ang maraming netizens.

Ayon nga sa isa sa mga ito: “Tuluyan nang sinakop ni Goldie ang utak ng unanong ‘yan. Hayaan na lang siya!”

Still another netizen posted: “Hindi nga naman niya kailangan ang pamilya niya dahil marami siyang pera!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here