Home METRO Naia Terminal 4 sarado mula Nob. 4 para sa rehab

Naia Terminal 4 sarado mula Nob. 4 para sa rehab

228
0

MANILA, Philippines- Isasara ang Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (Naia) para sa rehabilitasyon sa Nobyembre 4 hanggang sa Pebrero ng susunod na taon, kung saan magkakaroon ng safety upgrades, pagpapahusay ng traffic flow at modernisasyon ng mga pasilidad.

“Our goal is to make Terminal 4 more comfortable and efficient for travelers. While there may be some temporary disruptions, we appreciate the public’s understanding and patience as we work to deliver these much-needed improvements,” pahayag ng New Naia Infra Corp.

Sa renobasyon ng pinakamatandang terminal ng NAIA, ililipat ang ilang flights tulad ng Cebu Pacific-affiliated CebGo na may 36 arawang flights, AirSwift na may 12 arawang flights; at Sunlight Air na may dalawang arawang flights, sa Terminal 2.

Dumaraan sa Terminal 4 ang tinatayang 2,900 pasahero kada araw—1,400 arriving at 1,500 departing—kumakatawan sa 2.23 porsyento ng kabuuang daily passenger volume ng NAIA. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here