Manila, Philippines- Carlos Morales is back in the movie scene via the movie Wild Boys.
FYI, si Carlos ang sinasabing counter part sa Pinas ng Hollywood actor na si Channing Tatum.
Si Carlos ay naka-based na sa U.S. at nagtatrabaho bilang nurse sa California.
Ilang taon na rin siyang nawala sa movie scene at siya ay nakilala sa pelikulang Laro sa Baga kung saan soya nanalo ng Movie Actor of the Year sa Star Awards for Movies.
Sinabi niya na nagbalik siya sa pelikula dahil na-miss niya ang pagso-shoot.
Si Carlos ang lead cast sa pelikula at siya rin ang nagsilbing direktor.
Nagkaroon ng red carpet premiere ang Wild Boys at marami ang nakapansin sa pagiging ripped at young looking ni Carlos.
Si Carlos ay 49 years old.
Nalaman din namin na soon-to-be father na si Carlos and he will be staying in the country for three weeks where he will meet with local distributors para sa upcoming commercial release of the film in August.
Sa ngayon, heβs forming an all-male sing-and-dance group, at least 5β10ββ tall, with good looks, para sa sequel ng movie.
Congrats Carlos and welcome back sa showbiz. JP Ignacio