Manila, Philippines – Parang hindi sariling kapatid!
Ito ang mga salita ng pangungutya sa inasal ni Paris Olympics two-time gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang nakababatang kapatid na si Eldrew.
Dismayado ang mga netizens sa ginawang pagpapaalam ni Carlos sa kanyang nobyang si Chloe San Jose.
Naganap ito nang um-attend ang magkapatid ng PSA Awards kung saan pinarangalang Athlete of the Year si Carlos.
Si Eldrew naman ay nakatanggap ng citation.
Sa 10-second video na kumalat sa social media, klaro’t dinig na dinig na nagpapaalam si Carlos kay Chloe kung: “Isasama ba natin ‘to?”
Ang ”’to” na tinutukoy ni Carlos ay si Eldrew na naringgan ng: “Sasabay ko…sasabay ako!”
Sumagot naman si Chloe ng: “Sige, ihatid natin!”
Hindi nagustuhan ng mga netizens ang ginawa ni Carlos na kailangan pang magpaalam sa nobya.
Wala raw pala itong kakayahang magdesisyon para sa kanyang sarili.
Ikinainis din ng mga netizens ang paraan ng pagtukoy ni Carlos sa kapatid, using the contracted pronoun “‘to” instead of addressing his brother as Eldrew.
Sa ginawa raw ni Carlos ay malinaw lang na lumalabas siyang “ander de saya” ni Chloe.
‘Yung lagay daw na ‘yon ay magnobyo pa lang sila, paano na raw kung mag-asawa na?
Dagdag pa ng mga netizens, kung sila raw si Eldrew ay hindi nila ipagsisiksikan ang sarili na sumabay kina Carlos at Chloe.
Kung ilarawan ngayon ng mga netizen si Carlos ay “lalaking walang b–yag”! Ronnie Carrasco III