Binuksan ni EJ Obiena ang kanyang indoor pole vault season noong Miyerkules (Huwebes oras sa Pinas) sa pamamagitan ng pagsungkit sa 2nd place sa International Jump Meeting Cottbus sa Lausitz-Arena sa Germany.
Nakuha ni Obiena ang pangalawang puwesto na may 5.65 clearance sa likod ni Sam Kendricks ng United States na nanguna sa meet.
Nalusutan ng Filipino pole vaulter ang 5.40, 5.55, at 5.65 na mga bar sa pamamagitan lamang ng tig-isang pagtatangka bago nilagpasan ang 5.70. Pagkatapos ay sinubukan niyang i-clear ang 5.75 metro ngunit nabigo sa tatlong pagtatangka.
Si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany ay pumuwesto sa ikatlong puwesto dahil isang beses din niyang na-clear ang 5.65 meters ngunit kailangan niya ng dalawang pagtatangka para matapos ang 5.55 meters. Si Ben Broeders ng Belgium, na puwesto sa ikaapat, ay nagtapos din sa 5.65 ngunit may dalawang pagtatangka sa nasabing clearance.
Ito ang unang kompetisyon ni Obiena mula nang maagang kanselahin ang kanyang 2024 season dahil sa isang pinsala sa likod.
Nakabalik si EJ Obiena, ‘fully recovered’ mula sa back injury.JC