MANILA, Philippines – Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gymnast na si Carlos Yulo sa pagkapanalo ng kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas para sa 2024 Paris Olympics.
Nanalo si Yulo ng ginto para sa floor exercise sa Olympic gymnastics, dahilan para siya ang maging ikalawang gold medalist sa Olympics matapos ang pagkakapanalo ng weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Tokyo tatlong taon ang nakalilipas.
Sa Facebook post, sinabi ni Marcos na proud ang buong bansa sa nakamit ni Yulo.
“Congratulations, Caloy! The entire country stands proud with you,” saad sa caption ni PBBM.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na magkakaroon pa ng mas maraming medalya ang bansa sa Summer Games.
“We’ve witnessed history as Carlos Yulo clinched the Philippines’ first gold medal in artistic gymnastics at the Paris 2024 Olympics.”
“I am confident that it will not be the last,” pagpapatuloy nito.
May tsansa pa si Yulo para sa panibagong medalya sa paglaban niya sa vault finals ngayong araw.
Bukod kay Yulo, nakaabang pa sa posibleng medalya ang mga boxer na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio, habang si pole vaulter EJ Obiena ay kwalipikado naman para sa men’s pole vault finals.
Lalaban din sina Hurdlers John Cabang Tolentino at Lauren Hoffman, golfers Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan, at weightlifters John Ceniza, Vanessa Sarno, at Elreen Ando. RNT/JGC