Home HOME BANNER STORY Imbestigasyon ng PAOCC sa ari-arian sa Benguet, welcome kay Roque

Imbestigasyon ng PAOCC sa ari-arian sa Benguet, welcome kay Roque

MANILA, Philippines – Bukas para kay dating Presidential spokesperson Harry Roque ang gagawing imbestigasyin ng Presidential Anti Organized Crime Commission sa ari-arian umano nito sa Benguet.

Ang tirahan ay matatagpuan sa Tuba, Benguet na napag-alaman ng mga awtoridad na nagpapatuloy ng illegal POGO ringleaders.

“Kinagagalak ko ‘yan kasi dapat naman eh malaman ng taong bayan kung ano ang katotohanan at hindi lang puro paratang dahil sa politika,” sinabi ni Roque sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

“Sa katunayan kahapon ako po ngayon ay nasa Baguio nakipagtulungan po tayo sa kapulisan para mag-search dito sa bahay kung saan nahuli di umano mga pugante at wala naman po silang nahanap na kontrabando bagamat meron silang apat na tablet at dalawang computer monitor na nakita dito sa bahay, isinantabi po yan hanggang silay makakuha ng cyber warrant at nakakuha naman sila kagabi at tinurnover po yang apat na tablet at dalawang monitor.”

Iginiit ni Roque na hindi niya pagmamay-ari ang naturang ari-arian t iya ay bahagi lamang ng korporasyon na nagmamay-ari ng naturang bahay kung saan pinauupahan nila ito.

“Mali po kasi may separate ang personalidad ang korporasyon, iba po yan sa personalidad nung mga stockholders at itong korporasyon na po to sangayon po ha iisa lang ang share ko 1 share qualifying share,” ani Roque.

“Ako naman po na nanumpa na sasabihin ang katotohanan nasa proseso po ako ngayon na para kunin ang 100% beneficial na ownership ng bahay pero sa ngayon po 1 qualifying share lang po ako sa bahay na ito kaya wala pong pagsisinungaling dun at kinuha naman po ng Senado ng Kamara ng kapulisan ang lahat ng corporate papers.”

Aniya, wala rin siyang alam tungkol sa hinihinalang mga puganteng tumutuloy sa ari-arian.

“Unang-una, ang nag rent ay babae, siya po ay hiningan ng alien certificate of registration para patunay na meron siyang registered residence dito at beyond that ay wala namang indication na sila’y mga kriminal. Now pati ang gobyerno ng Pilipinas nalaman lang siya ay pugante dahil nga po nagkaroon ng red alert ang Interpol ibig sabihin kung hindi po dinala ng gobyerno ng China yung pangalan nitong punganteng ito sa Interpol hindi rin malalaman ng gobyerno,” giit pa ni Roque.

Dumistansya rin umano ito mula sa nasabing babae.

“Hindi po kasi hindi ko nga siya kakilala until umupa yung babae na ‘yan so how can I run on the same circles na hindi ko siya kakilala? That is an unfair statement, that is false kasi ayaw niya yung sinasabing insiuation, Im saying thats downright false,” ani Roque.

Sinabi pa ng Presidential spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinayagan nila ang mga awtoridad na maggalugad upang matigil na ang pag-uugnay sa kanya sa illegal POGO na Lucky South 99 Corp.

“In fact kaya nga sabi ko po voluntarily pinayagan namin na mag search ang pulis dito even without search warrant para ipakita unang-una na ako may interes na mapatunayan na walang links itong putganteng ito sa mga POGO kasi yun ang ginagawa ni Senator Hontiveros na pilit na pong nililink diyan ngayon ang sinasabi nila ang link ko nag abugado daw ako dun sa Lucky South, pero sinasabi ko nga ang pakilala sakin at ang alam ko dahil nagkakaroon nga ako ng actual cases na hinandle dun sa korporasyon na yun ang tao na nirepresent ko ay taga Whirlwind Corporation at nagsubmit nga ako ng dokumento ang hirap kasi ayaw nila tanggapin ang mga dokumento ang gusto nila yung mga sinasabi lang nila pero evidence are the documents themselves,” sinabi pa ni Roque sa panayam sa radyo. RNT/JGC