Home METRO Cash aid sa mga tsuper ng dyip, umarangkada na; ilang driver, nadismaya

Cash aid sa mga tsuper ng dyip, umarangkada na; ilang driver, nadismaya

162
0

MANILA, Philippines — Mahigit 21,700 public utility jeepney (PUJ) drivers sa Metro Manila ang makatatanggap ng tig-P5,000 cash assistance ngayong Marso 25 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isasagawa ang payout, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), simula alas-7 ng umaga sa 16 na itinalagang payout sites sa Metro Manila.

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay bineripika ng LTFRB batay sa datos na isinumite ng mga local government units (LGUs) at mga operator.

Kailangang magdala ang mga driver ng kanilang professional driver’s license at photocopy nito upang makuha ang ayuda.

Pinayuhan din ng DSWD ang mga benepisyaryo na tingnan ang opisyal na listahan at kanilang assigned payout centers, at subaybayan ang Facebook pages ng DSWD at LTFRB para sa mga susunod na anunsyo.

Sa Maynila, dumagsa ang daan-daang tsuper ng dyip sa Kartilya ng Katipunan ngayong araw para kumubra ng ayuda. Ito ay nakaraang hindi sila mapasama o wala sa listahan ang kanilang pangalan na ipinasa sa LTFRB at DSWD.

Nabatid na ang ilan sa kanila ay nagulat kung bakit wala ang pangalan sa makakatanggap ng P5,000 na cash assisitance mula sa pamahalaan.

Ayon sa ilan jeepney driver, tila iilan lamang sa kanilang asosasyon ang nakasama sa listahan kung saan ang iba ay nagpalista na lamang at umaasang makakakuha ng ayuda kapag isinagawa na ang special payout.

Umaapela rin ng tulong ang ibang tsuper na dekada na bumibyahe sa Maynila.

Lahat ng mga wala sa listahan ay pinagpasa ng DSWD at LTFRB ng xerox copy ng drivers license saka sila sa isasama sa listahan para sa mga susunod na payout. RNT/Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here