Home NATIONWIDE Cashless toll plazas sa NLEX dinagdagan

Cashless toll plazas sa NLEX dinagdagan

MANILA, Philippines – Nagdagdag pa ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) ng mas maraming cashless toll plaza.

Sa ulat, sinabi na nagpatupad na ng full cashless transactions ang toll booths sa bahagi ng Tabang sa Guiguinto, Bulacan, at Angeles, Pampanga simula nitong Linggo, Oktubre 1.

Noong nakaraang buwan, matatandaan na sinimulan ng Toll Regulatory Board ang two-month dry run para sa cashless toll collections sa ilang toll roads, kabilang ang
NLEX at Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX).

Ang mga sumusunod na toll gates ay 100% cashless na:

NLEX
• Ciudad de Victoria NB
• Ciudad de Victoria SB
• Sta. Rita NB
• Pulilan NB
• Pulilan SB
• San Simon NB
• Mexico
• Dau SB

SCTEX
• Dolores
• SFEX. RNT/JGC