Home NATIONWIDE Higit 7K posisyon sa BIR bakante pa rin sa mababang sahod

Higit 7K posisyon sa BIR bakante pa rin sa mababang sahod

MANILA, Philippines – Inihayag ng Bureau of Internal Revenue na mahigit 7,000 na ang bakanteng posisyon sa ahensya na hindi pa rin napupunan hanggang ngayon dahil sa mababang pasahod.

Ang tugon na ito ni BIR Commissioner Romeo Lumagui ay kasabay ng pagdinig ng Senado sa budget ng ahensya nitong Lunes, Oktubre 2, kung saan tinanong siya ni Senador Sherwin Gatchalian kung bakit may 7,724 unfilled positions ang BIR hanggang sa katapusan ng 2022.

“Our main problem is that there is difficulty in recruiting personnel due to lower salaries compared with other government agencies’ lawyers and accountants,” sagot ni Lumagui sa
Senate Committee on Finance kasabay ng pagdinig sa proposed P24.7 bilyong budget ng Department of Finance para sa taong 2024.

“It is not competitive,” dagdag pa niya.

Ang BIR, na ang proposed 2024 budget ay nasa P14.94 bilyon, at attached agency sa ilalim ng DOF.

Sinabi ni Lumagui na sa mga opisina ng BIR sa mga probinsya, ang monthly entry level para sa mga accountant at abogado ay nasa P27,000 lamang na mas mababa sa P51,000 na itinakda ng Civil Service Commission (CSC).

“Also, those in the provinces want to work here in Metro Manila. These are the challenges that we are having. Increasing salaries to be competitive with other government agencies will greatly help,” anang opisyal.

Sa kabila nito, pinapabilis na umano ng BIR ang proseso sa pagkuha ng mga tauhan sa regional offices, at hindi na kailangan pa ng pag-apruba ng BIR Central Office.

“We are having problems and we are doing our best to fill in these positions, be active in recruiting. We have already published [hiring for] the 1,547 positions, of which 607 was made this year,” ani Lumagui.

Sinegundahan naman nina Gatchalian at Senador Sonny Angara ang panawagan ng BIR na mas mataas na sahod, sabay-sabing ang competitive pay ay napakahalaga para maging “efficient tax collector.”

“This is a tax collecting agency. They need more people to be efficient in collecting taxes. It is very hard to attract talent or to ward off temptation [of committing corruption in that situation]. We need to attract the best talent to improve efficiency within the office,” sinabi ni Gatchalian, chairman ng
Senate Committee on Ways and Means.

“The government needs revenue. Without revenue, it would be pointless to discuss how we will spend it,” dagdag ng senador.

Nang tanungin naman ni Angara kung pabor ba ang Department of Budget and Management (DBM) sa salary increase sa mga tauhan ng BIR, positibo naman ang naging tugon dito ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

“We really need reclassification of a collector [in terms of Salary Grade] because a [tax] collector has no comparable position in other government agencies,” ani Diokno.

“They can make a request to Secretary Menah that we reclassify [Salary Grade of] tax collector, and I believe she would look at this with favor,” dagdag pa niya, na tumutukoy kay Budget Secretary Amenah Pangandaman. RNT/JGC