Home ENTERTAINMENT Cat at Sam, friends na lang?

Cat at Sam, friends na lang?

Manila, Philippines – May makakaligtas ba sa mga netizens na konting kibot ay binibigyan ng kahulugan ang bawat kilos ng mga personalidad?

Buti sana kung tipong these observant netizens are simply playing around with conjectures.

Parang sure na sure sila sa kanilang mga hula based on what they see.

Isang halimbawa na lang ay ang magkasabay na video greeting ng magkasintahang sina Catriona Gray at Sam Milby.

Ika-pitong anibersaryo kasi ng Marky Hugh Productions kaya hiningan sila ng pagbati.

Dedma ang mga netizens sa heartwarming message ng magnobyo.

Sa halip ay mas tinutukan nila ang “body language” ni Sam.

Sey ng mga netizens, napaka-awkward daw ni Sam.

Halata raw kasi sa kilos nito na gusto nilang iparating ni Catriona na magkaibigan na lang sila.

Ang mga kilos daw ni Sam ay hindi astang proud boyfriend to the woman he will soon marry.

Siyempre, ikinalungkot ‘yon ng mga tagasuporta ng couple.

Magugunitang wala si Catriona nang ipagdiwang ni Sam ang kanyang 40th birthday recently.

Mas pinili pang mag-beach ng Miss Universe 2018 than spend it with her fiancè.

Buong akala pa naman ng mga netizens ay maayos na uli ang couple after confessing they were going through some rough patch in their relationship.

Lalo pang tumibay ang ispekulasyon dahil lately ay hindi na pinag-uusapan ang kanilang wedding plans. Ronnie Carrasco IIi