FOOD - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Tue, 26 Mar 2024 12:41:51 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.2 Patok na pagkain tuwing Semana Santa! https://remate.ph/patok-na-pagkain-tuwing-semana-santa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=patok-na-pagkain-tuwing-semana-santa https://remate.ph/patok-na-pagkain-tuwing-semana-santa/#respond Sat, 30 Mar 2024 04:00:31 +0000 https://remate.ph/?p=557453 Marahil ay nag-iisip ka ngayon kung anong kakainin. Ano nga ba ang mga patok na pagkain tuwing Semana Santa? Alam naman natin na kailangan ang “Fasting” tuwing Semana Santa, o ang hindi pagkain ng karne o iba pang masasarap na pagkain bilang pakikiisa sa paggunita sa sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa Kalbaryo. Ngayon, alamin […]

The post Patok na pagkain tuwing Semana Santa! first appeared on Remate Online.

]]>
Marahil ay nag-iisip ka ngayon kung anong kakainin. Ano nga ba ang mga patok na pagkain tuwing Semana Santa?

Alam naman natin na kailangan ang “Fasting” tuwing Semana Santa, o ang hindi pagkain ng karne o iba pang masasarap na pagkain bilang pakikiisa sa paggunita sa sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa Kalbaryo.

Ngayon, alamin natin ano ba ang mga pagkaing simple pero swak na swak sa inyong pag-aayuno!

Peanuts, Almonds or Other Nuts – Kapag naamoy mo na ang nilagang mani paggising sa umaga, tiyak mapapaisip ka… Holy Week nga! Isa ang mga pagkaing ito na swak at patok ngayong Semana Santa, na kainin kasama ang pamilya.

Mais, Kamote, Ube at Kamoteng Kahoy – Kapartner ng mani ay ang mais, kamote, kamoteng kahoy o ube! Hindi natin ma-explain kung bakit ito ang karaniwang niluluto for breakfast kapag Holy Week, o mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria. Pero masarap naman at talagang makakapagnilay-nilay ka habang kumakain ng kamote!

Iba’t Ibang Uri ng Isda o Lamang Dagat – Dahil nga bawal ang pagkain ng baboy o iba pang karne bilang bahagi ng pag-aayuno ngayong Semana Santa, ang karaniwang ulam ng mga Pinoy ay something with fish! Kaya pasok sa ating listahan ang isda, bilang patok na pagkain tuwing panahong ito.

Last but definitely not the least, siyempre hindi mawawala ang tinapay at itlog. Either nilagang itlog o pritong itlog, ipalaman sa tinapay at swak na swak na! RNT/JGC

The post Patok na pagkain tuwing Semana Santa! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/patok-na-pagkain-tuwing-semana-santa/feed/ 0
Iloilo kinilalang ‘UNESCO creative city for gastronomy’ https://remate.ph/iloilo-kinilalang-unesco-creative-city-for-gastronomy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iloilo-kinilalang-unesco-creative-city-for-gastronomy https://remate.ph/iloilo-kinilalang-unesco-creative-city-for-gastronomy/#respond Thu, 02 Nov 2023 07:31:59 +0000 https://remate.ph/?p=523326 MANILA, Philippines – Nakabilang ang Iloilo City sa pinakahuling listahan ng UNESCO Creative Cities Network (UCCN) sa pag-aalok nito ng masasarap na mga pagkain. Ayon sa UNESCO nitong Martes, ang Iloilo City ay kabilang na sa 350 cities sa naturang network na nagrerepresenta sa iba’t ibang larangan katulad ng crafts at folk art, design, film, […]

The post Iloilo kinilalang ‘UNESCO creative city for gastronomy’ first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nakabilang ang Iloilo City sa pinakahuling listahan ng UNESCO Creative Cities Network (UCCN) sa pag-aalok nito ng masasarap na mga pagkain.

Ayon sa UNESCO nitong Martes, ang Iloilo City ay kabilang na sa 350 cities sa naturang network na nagrerepresenta sa iba’t ibang larangan katulad ng crafts at folk art, design, film, gastronomy, literature, media arts, at musika.

Ang Iloilo ang ikatlong UNESCO cretive city mula sa Pilipinas kasunod ng Baguio City noong 2017 (crafts and folk art) at Cebu noong 2019 sa design.

“I share this award with the Ilonggos, like me, who love to cook our Ilonggo Food. Now, we can be proud to say Ilonggo cuisine is taking the stage in the international gastronomy scene,” saad sa pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas nitong Miyerkules, Nobyembre 1.

Ayon sa Department of Tourism, tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaan upang mapabuti pa ang food at creative industries ng bansa.

“The Department of Tourism commits to continue its support for our creative cities under the Marcos administration’s thrust to further develop, promote, and expand our tourism product portfolio towards multi-dimensional tourism,” sinabi ni Tourism Secretary Tina Frasco nitong Huwebes.

“This includes a strong focus on the food and creative industries, which will undoubtedly bolster the Philippines’ attractiveness as a preferred destination for travelers.”

Samantala, nauna nang inanunsyo ni DOT Regional Director for Western Visayas Crisante Rodriguez na lumilikha sila ng itineraries sa rehiyon upang ipakilala ang slow food experiences para sa gma turista na naglalayong iparanas sa mga ito ang food preparation at ingredients farming.

Maliban sa Iloilo, kabilang din sa mga bagong kinilala sa field of gastronomy ang Battambang, Cambodia; Chaozhou, China; Fribourg, Switzerland; Gangneung, South Korea; Heraklion, Greece; at Nkongsamba, Cameroon. RNT/JGC

The post Iloilo kinilalang ‘UNESCO creative city for gastronomy’ first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/iloilo-kinilalang-unesco-creative-city-for-gastronomy/feed/ 0