OPINION - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 05 Jun 2026 23:56:38 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png OPINION - Remate Online https://remate.ph 32 32 TRUTH VS LIES, BOGUS SA FLOOD SCANDAL https://remate.ph/truth-vs-lies-bogus-sa-flood-scandal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=truth-vs-lies-bogus-sa-flood-scandal https://remate.ph/truth-vs-lies-bogus-sa-flood-scandal/#respond Fri, 05 Jun 2026 21:55:33 +0000 https://remate.ph/?p=729482 DALAWANG mahalagang usapin ang iniluwal ng nasimulang imbestigasyon sa flood control scandal ng Senate Blue Ribbon Committee subcommittee sa ilalim ni Senador Rodante Marcoleta. Nagbanggaan ang ‘claim’ ng isang panig para sa “katotohanan” o truth at kasinungalingan o bogus naman ng kabilang panig. Sa parte ng grupo nina Senate President Alan Peter Cayetano at Marcoleta, […]

The post TRUTH VS LIES, BOGUS SA FLOOD SCANDAL first appeared on Remate Online.

]]>
DALAWANG mahalagang usapin ang iniluwal ng nasimulang imbestigasyon sa flood control scandal ng Senate Blue Ribbon Committee subcommittee sa ilalim ni Senador Rodante Marcoleta.

Nagbanggaan ang ‘claim’ ng isang panig para sa “katotohanan” o truth at kasinungalingan o bogus naman ng kabilang panig.

Sa parte ng grupo nina Senate President Alan Peter Cayetano at Marcoleta, katotohanan umano ang kanilang ipinaglalaban habang sa grupo ni umano’y Acting Senate President Win Gatchalian, kasinungalingan at bogus umano ang drama ng una.

Bago naganap ang unang sigwada ng imbestigasyon kamakalawa, pinigilan ng SBRC sa ilalim ni Senator Ping Lacson at noo’y SP Tito Sotto ang pagsalang ng 18 Marines at sundalo sa rasong may pagiging imposible o kaduda-duda sa pinagsasabi ng mga ito sa mga press conference.

Nitong Huwebes, tuluyan nang pinayagan ang mga sundalo na imbestigahan sa loob ng Senado sa ilalim naman ni SBRC Chairman Sen. Pia Cayetano, partikular sa ilalim ni Marcoleta at nakasama nito si SP Cayetano mismo sa buong imbestigasyon.

Tahasang sinasabi nina Sen. Marcoleta at SP Cayetano na ito na ang pagkakataon sa paglabas ng katotohanan na matagal na pinigilang mailabas nina Sotto at Lacson sa nakalipas na ilang buwan.

Ayon naman kina Sotto, bukod sa sinungaling ang mga sundalo, bogus pa umano ang imbestigasyon at masasabing walang ligal na tuntungan o epekto ito pagdating sa hukuman.

Naging kapansin-pansin, mga brad, ang pagdidiin nina Marcoleta at SP Cayetano ang pagsasalaysay nang personal o indibidwal at/o grupong kaalaman at karanasan ng mga sundalo ukol sa male-maletang kikbakan sa flood control program upang tumindig ang kanilang mga salaysay sa hukuman.

Sa ngayon, mga kasong libelo lang ang lumilitaw na patutunguhan ng pagsasalaysay ng mga sundalo, kakambal ng kawalan umano ng immunity nila dahil bogus nga umano ang imbestigasyon.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata nang may paninindigan sa katotohanan at hindi sa kasinungalingan.

The post TRUTH VS LIES, BOGUS SA FLOOD SCANDAL first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/truth-vs-lies-bogus-sa-flood-scandal/feed/ 0
CLASSROOM GLOW UP SPARKS HOPE FOR LEARNERS https://remate.ph/classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners-2 https://remate.ph/classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners-2/#respond Fri, 05 Jun 2026 21:54:05 +0000 https://remate.ph/?p=729480 A CHILD’S learning is deeply shaped by the environment where it takes place. When classrooms are clean, bright and welcoming, students become more motivated, focused and eager to learn. Recognizing this, HAPPINAY launched a meaningful initiative to improve education at the grassroots level through its Classroom Glow Up Project at Epifanio Delos Santos Elementary School. […]

The post CLASSROOM GLOW UP SPARKS HOPE FOR LEARNERS first appeared on Remate Online.

]]>
A CHILD’S learning is deeply shaped by the environment where it takes place. When classrooms are clean, bright and welcoming, students become more motivated, focused and eager to learn.

Recognizing this, HAPPINAY launched a meaningful initiative to improve education at the grassroots level through its Classroom Glow Up Project at Epifanio Delos Santos Elementary School.

The project officially transformed a basic classroom into a more inspiring and student-friendly space.

Led by HAPPINAY President Pilar Herbalorio with volunteers and partners, the effort included repainting, minor repairs and upgrading classroom facilities, creating a more organized and uplifting environment for both learners and teachers.

For Teacher Gail De Jesus, the transformation goes beyond physical improvements, becoming a source of encouragement that helps students feel valued and more excited to attend school each day while easing challenges faced by educators in delivering quality learning despite limited resources.

HAPPINAY also emphasized that meaningful change does not always require large-scale interventions, as improving basic learning spaces can already spark motivation, dignity and hope among young learners.

The group hopes to expand the initiative to more schools, ensuring every child has a classroom that inspires growth, creativity and a brighter future.

Malabon Congressman Antolin “Lenlen” Oreta III expressed gratitude to HAPPINAY for leading the Classroom Glow Up Project, saying it greatly contributes not only to improved school facilities but also to a safer, more organized and more inspiring learning environment for students.

He stressed that collaboration among organizations, volunteers and community sectors is essential in strengthening education and expanding opportunities for the youth, noting that every improvement in schools is an investment in the future of children.

The post CLASSROOM GLOW UP SPARKS HOPE FOR LEARNERS first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners-2/feed/ 0
NHA KEEPS AID FLOWING https://remate.ph/nha-keeps-aid-flowing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nha-keeps-aid-flowing https://remate.ph/nha-keeps-aid-flowing/#respond Fri, 05 Jun 2026 21:52:44 +0000 https://remate.ph/?p=729478 THE National Housing Authority (NHA) under the stewardship of General Manager Joeben Tai with his equally competent and dedicated Assistant GM Alvin Feliciano, the poor people would end up winners as they continue to get support, in all forms, from the agency. Just last week, some P64-million worth of cash assistance was extended to 2,134 […]

The post NHA KEEPS AID FLOWING first appeared on Remate Online.

]]>
THE National Housing Authority (NHA) under the stewardship of General Manager Joeben Tai with his equally competent and dedicated Assistant GM Alvin Feliciano, the poor people would end up winners as they continue to get support, in all forms, from the agency.

Just last week, some P64-million worth of cash assistance was extended to 2,134 families affected by the May 23, 2026 Parola, Tondo, Manila fire through NHA’s Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Under EHAP, each family received P30,000 in financial assistance. The beneficiary-families were among those affected by the massive fire incident that struck the Parola compound.

GM Tai has assured the affected families that the NHA remains steadfast in delivering immediate assistance and responsive housing interventions to communities affected by calamities and disasters.

EHAP is one of NHA’s assistance programs designed to provide financial aid to families affected by disasters such as fire, floods, earthquakes, and other calamities, enabling them to begin rebuilding their homes and recovering from the impact of these incidents.

NHA’s 42nd People Caravan

AGM Feliciano, who represented GM Tai, led the agency’s 42nd People’s Caravan in Naic, Cavite where over 3,500 housing beneficiaries hailing from nearby NHA resettlement communities benefited from the initiative.

Launched by Tai, the caravan aims to effectively bring various government services – such as medical, scholarships, jobs, affordable agricultural products, free legal guidance – to housing beneficiary families.

The participants seized the opportunity to avail the services and goods offered by the NHA’s 40 partner-agencies from both the public and private sectors.

Attendees were also accommodated with various business-related services, such as business name registration and MSME program orientations from the Department of Trade and Industry; an information drive about TUPAD, DILP/Kabuhayan, SPES, and career coaching from the Department of Labor and Employment.

They also benefit from the conduct of basic orientation on cooperative formation from the Cooperative Development Authority and provision of technical assistance to entrepreneurs from the Office of the Provincial Cooperatives Development Officer.

The NHA is set to conduct its 43rd People’s Caravan on June 11 in Tala, Caloocan City.

The post NHA KEEPS AID FLOWING first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/nha-keeps-aid-flowing/feed/ 0
BATAS REBISAHIN, HUWAG DOLE SISIHIN https://remate.ph/batas-rebisahin-huwag-dole-sisihin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batas-rebisahin-huwag-dole-sisihin https://remate.ph/batas-rebisahin-huwag-dole-sisihin/#respond Fri, 05 Jun 2026 21:51:31 +0000 https://remate.ph/?p=729476 MULI nating balikan ang isyu ng pagguho ng isang underconstruction building sa Pampanga na ikinasawi ng humigit kumulang 20 katao kabilang ang isang sanggol sa huling talaan. Nagbukas kasi ito ng mahahalagang usapin tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Bagama’t mayroong mga umiiral na batas tulad ng Republic Act No. 11058 […]

The post BATAS REBISAHIN, HUWAG DOLE SISIHIN first appeared on Remate Online.

]]>
MULI nating balikan ang isyu ng pagguho ng isang underconstruction building sa Pampanga na ikinasawi ng humigit kumulang 20 katao kabilang ang isang sanggol sa huling talaan.

Nagbukas kasi ito ng mahahalagang usapin tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Bagama’t mayroong mga umiiral na batas tulad ng Republic Act No. 11058 (Occupational and Safety Health standard Law) at mga implementing rule nito, malinaw na may mga puwang pa rin sa continual improvement mga regulasyon na kailangang repasuhin at palakasin.

Samu’t-saring reaksyon ang ating natunghayan sa social media kaugnay ng pangyayaring ito. May netizens na sinisisi ang may-ari ng building at kontraktor gayundin ang kapabayaan ‘raw” ng local government unit at nasyonal katulad ng Department of Labor and Employment. Pero paalala lamang sa mga netizen, gumugulong pa ang imbestigasyon at hindi ito ang tamang panahon para magsisihan.

Mahalagang maunawaan ng lahat ang papel ng DOLE. Kumikilos lamang ang ahensiya ayon sa mandato, kapangyarihan, at limitasyong itinakda ng batas. Kung kulang ang bilang ng labor inspector para mabantayan ang libu-libong establisimyento sa buong bansa, ang pangmatagalang solusyon ay nakasalalay sa Kongreso sa pamamagitan ng paglikha ng karagdagang mga posisyon, sapat na pondo, at mas malawak na kapangyarihan para sa inspeksiyon at enforcement.

Dapat ding suriin ang mga probisyon ng National Building Code of the Philippines, mga regulasyon sa konstruksyon, at maging ang mga patakaran kaugnay ng worker accommodation o barracks sa construction sites.

Sa maraming bansa gaya ng Singapore at Australia, may mahigpit na pamantayan para sa ligtas na tulugan, structural integrity, fire protection, emergency exits, at regular inspection ng mga dormitoryo ng manggagawa. Ang probisyon para sa ligtas na area sa accommodation ay hindi pa ganap na malinaw sa ilalim ng Department Order No. 253-25.

Kabilang sa mga rekomendasyong maaaring pagbatayan ng Kongreso ang: pagdaragdag ng labor inspectors; pagbibigay ng legal na papel sa mga DOLE-accredited Occupational Safety and Health practitioners at consultants bilang katuwang sa compliance verification; obligadong third-party structural safety audits para sa high-risk projects; mas mahigpit na regulasyon sa worker accommodations; at paggamit ng digital monitoring systems para sa audit and inspection checklist at real-time reporting ng mga panganib sa lugar ng trabaho.

Ang kaligtasan ng manggagawa ay hindi lamang usapin ng pagsunod sa batas. Ito ay usapin ng pambansang pananagutan. Kung nais nating maiwasan ang mga trahedyang tulad ng nangyari sa Pampanga, kinakailangan ang mas matibay na batas, sapat na pondo, at mas malawak na suporta sa mga institusyong nangangalaga sa buhay ng bawat manggagawang Pilipino.

The post BATAS REBISAHIN, HUWAG DOLE SISIHIN first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/batas-rebisahin-huwag-dole-sisihin/feed/ 0
DHSUD AT PAG-IBIG: SUSI SA PANGARAP NA PABAHAY NG MGA FILIPINO https://remate.ph/dhsud-at-pag-ibig-susi-sa-pangarap-na-pabahay-ng-mga-filipino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dhsud-at-pag-ibig-susi-sa-pangarap-na-pabahay-ng-mga-filipino https://remate.ph/dhsud-at-pag-ibig-susi-sa-pangarap-na-pabahay-ng-mga-filipino/#respond Fri, 05 Jun 2026 21:49:31 +0000 https://remate.ph/?p=729474 ANG pagtataas ng Pag-IBIG Fund sa loan ceiling nito ay isang estratehikong hakbang na direktang sumusuporta sa mas malawak na adhikaing panlipunan ng pamahalaan. Ayon kay DHSUD Secretary at Pag-IBIG Fund Board of Trustees Chairperson Jose Ramon Aliling, ang bagong polisiyang ito ay bahagi ng pagpapa­lakas sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Prog­ram […]

The post DHSUD AT PAG-IBIG: SUSI SA PANGARAP NA PABAHAY NG MGA FILIPINO first appeared on Remate Online.

]]>
ANG pagtataas ng Pag-IBIG Fund sa loan ceiling nito ay isang estratehikong hakbang na direktang sumusuporta sa mas malawak na adhikaing panlipunan ng pamahalaan. Ayon kay DHSUD Secretary at Pag-IBIG Fund Board of Trustees Chairperson Jose Ramon Aliling, ang bagong polisiyang ito ay bahagi ng pagpapa­lakas sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Prog­ram sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “BBM” Marcos Jr.

Layunin ng programang 4PH na gawing mas abot-kaya at accessible ang pagmamay-ari ng ligtas at disenteng bahay para sa mas maraming Pilipino.

Sa pamamagitan ng kombi­nasyon ng mas mataas na loanable amount at subsidized inte­rest rates, mas madali nang makakamit ng mga karaniwang manggagawa ang kanilang pa­ngarap na tirahan nang hindi masyadong mabigat sa bulsa.

Kaugnay nito, matinding hi­nimok ng pamunuan ng ahensya ang mga pribadong real estate developer na makiisa sa layu­ning ito ng pamahalaan.

Hiniling nina Secretary Aliling at Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na mag-alok ang mga kompanya ng mas abot-kaya at market-res­ponsive na housing packages na swak sa badyet at pangangaila­ngan ng mga miyembro.

Giit ng DHSUD, mahalagang magkita sa gitna ang presyo ng mga developer at ang aktwal na kapasidad sa paghiram ng pera ng mga manggagawa.

Ayon kay CEO Acosta, ang ga­nitong pagtutulungan ng gob­yerno at pribadong sektor ay kritikal upang mapanatili ang sigla ng sektor ng pabahay at matiyak na walang Pilipinong maiiwan pag­dating sa pagkakaroon ng sari­ling ligtas na bubong.

Sa pamamagitan ng 3 percent subsidized housing loan rate para sa mga kwalipikadong socialized housing borrowers, pinatutunayan ng Pag-IBIG Fund na nananatili itong matatag na sandigan ng pamilyang Filipino. Ang pagtutulungang ito ay inaasahang magiging susi sa pagtataguyod ng mas maunlad, mas ligtas, at mas inklusibong mga komunidad sa buong bansa upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawat mangga­gawa.

The post DHSUD AT PAG-IBIG: SUSI SA PANGARAP NA PABAHAY NG MGA FILIPINO first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dhsud-at-pag-ibig-susi-sa-pangarap-na-pabahay-ng-mga-filipino/feed/ 0
BALAT SA TINALUPAN NAGHALO SA SENADO https://remate.ph/balat-sa-tinalupan-naghalo-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=balat-sa-tinalupan-naghalo-sa-senado https://remate.ph/balat-sa-tinalupan-naghalo-sa-senado/#respond Thu, 04 Jun 2026 22:19:33 +0000 https://remate.ph/?p=729288 NAGHALO ang balat sa tinalupan o nagkaroon na ng matinding gulo o rambulan sa Senado kahapon kaugnay ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee o SBRC sa male-maletang kikbak sa flood control program. Nagmula ang matinding gulo sa pagpasok pa lang ng tinataguriang 18 Brave Marines at sundalo na resource persons na nag-expose ng nasabing […]

The post BALAT SA TINALUPAN NAGHALO SA SENADO first appeared on Remate Online.

]]>
NAGHALO ang balat sa tinalupan o nagkaroon na ng matinding gulo o rambulan sa Senado kahapon kaugnay ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee o SBRC sa male-maletang kikbak sa flood control program.

Nagmula ang matinding gulo sa pagpasok pa lang ng tinataguriang 18 Brave Marines at sundalo na resource persons na nag-expose ng nasabing male-maletang kikbakan.

Hinarang ang mga resource person at grupo nina SBRC chairman Pia Cayetano ng ilang tauhan ng Senado, kasama pati si Interior Secretary Jonvic Remulla, ngunit nabigo sila.

Dito rektang nagharap sa pwersahang pagpasok at pagharang sina Sen. Robin Padilla at Remulla.

Tuloy-tuloy na pumasok sina Cayetano at iba pang mga senador sa session hall ng Senado.

At dito na kumalma ang lahat.

Hindi naman pinatayan ng kuryente, wifi o internet at sound system ang komite na nagsagawa ng imbestigasyon.

LIGAL VS ILIGAL

Bago nagsagawa ng imbestigasyon ang SBRC na ang subcommittee ay pinamunuan ni Sen. Rodante Marcoleta, ipinaliwanag nina Sen. Pia Cayetano at Senate President Alan Peter Cayetano ang pagiging ligal ng isinagawang imbestigasyon.

Kabilang sa mga pinagbatayan dito ang posisyon ni SP Cayetano bilang halal ng mayorya sa Senado at kapangyarihan ng SBRC na lumikha ng anomang sub-committee gaya ng SBRC sub-committee.

Habang nagaganap ang imbestigasyon, ang mga grupo nina Sen. Tito Sotto at Win Gatchalian ay pawang pagkwestiyon sa ligalidad ng imbestigasyon naman ang ginawa.

Kanya-kanyang pahayag at paggigiit ng mga ito sa pagiging iligal ng SBRC ni Sen. Pia at SBRC sub-committee ni Sen. Marcoleta kaya iligal din umano ang imbestigasyon.

Kung hindi magkakasundo ang mga senador dito, maaaring may magsasampa ng kaso ukol dito sa hukuman.

At maaaring maapektuhan ang ligalidad mismo ng imbestigasyon na makasama o makabuti sa ibubunga nitong mga kasong kriminal, administratibo at sibil laban sa mga sangkot sa korapsyon at pandarambong.

KANYA-KANYANG HUGAS NG KAMAY

Naghalo rin ang balat sa tinalupan sa pagitan ng 18 Marines at sundalo at mga tinukoy nilang mga tumanggap ng mga basura o maleta na pera ang laman bilang kikbak.

May mga kongresman at senador na pinangalanan ng mga sundalo na kanilang hinatiran ng male-maletan o bag-bag na pera.

Ilan sa mga pinangalanan ang ilang prosecutor ng kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

May mga taga-Palasyo rin.

Isa-isa sa ilan sa mga pinangalanan ang nagpabulaan sa katotonan ng pahayag ng mga sundalo.

Ang iba, naghamon na patunayan ng mga sundalo ang kanilang mga bintang.

Maaaring may magsasampa ng kaso rito at palagay ng ating Uzi, lalong kakalat ang singaw ng katiwalian sa ganitong paraan dahil tiyak na susubaybayan at ibabalita ng media ang bawat kaso.

KATOTOHANAN VS KASINUNGALINGAN

Kung maobserbahan ninyo sa mga diin nina SP Cayetano at Sen. Marcoleta, dapat ang personal na nalalaman, karanasan at ginawa ng bawat indibidwal sa 18 sundalo ang kanilang ihahayag.

Ito’y dahil sa pagiging witness o saksi sa kaso, dapat may personal na kaalaman, karanasan o gawa ang isang saksi.

At ito naman ang ginawa ng mga sundalo at hindi basta nagdepende sa affidavit na ginawa nila.

Sa dulo, hayaang manaig ang katotohanan laban sa kasinungalingan.

Sa dulo ng lahat, hayaan ang mga mamamayan na magpasya kung sino-sino ang kanilang mga paniniwalaan: ang nagsasabi ng katotohanan o kasinungalingan.

The post BALAT SA TINALUPAN NAGHALO SA SENADO first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/balat-sa-tinalupan-naghalo-sa-senado/feed/ 0
‘PUSA’ SINIBAK SA‘BUWAYA FARM’ https://remate.ph/pusa-sinibak-sabuwaya-farm/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pusa-sinibak-sabuwaya-farm https://remate.ph/pusa-sinibak-sabuwaya-farm/#respond Thu, 04 Jun 2026 22:17:37 +0000 https://remate.ph/?p=729286 MARAMING beses nang inakusahan ng taumbayan ang Kongreso bilang pugad ng mga “buwaya” na ang kahulugan ay mga politikong inuuna ang pansariling interes kaysa kapakanan ng bayan. Totoo man o hindi ang bansag na ito, isang bagay ang malinaw at hindi ito nagmula sa imahinasyon lamang ng mamamayan sa halip ay bunga ito ng matagal […]

The post ‘PUSA’ SINIBAK SA‘BUWAYA FARM’ first appeared on Remate Online.

]]>
MARAMING beses nang inakusahan ng taumbayan ang Kongreso bilang pugad ng mga “buwaya” na ang kahulugan ay mga politikong inuuna ang pansariling interes kaysa kapakanan ng bayan.

Totoo man o hindi ang bansag na ito, isang bagay ang malinaw at hindi ito nagmula sa imahinasyon lamang ng mamamayan sa halip ay bunga ito ng matagal nang pagkadismaya ng publiko sa ilang mambabatas na nasasangkot sa mga kontrobersiya ngunit nananatiling nakaupo sa pwesto.

Kaya naman maraming nagtatanong ngayon: bakit si Cavite Rep. Kiko Barzaga ang napatalsik?

Ayon sa kanyang mga tagasuporta, hindi siya inakusahan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan. Wala rin umanong usapin ng ‘conflict of interest’. Kung gayon, bakit tila mas mabilis ang naging aksyon laban sa kanya kaysa sa iba pang mga mambabatas na mas mabibigat ang mga alegasyong kinaharap?

Dito pumapasok ang mas malaking tanong: katarungan ba ang nanaig o kapangyarihan ng mayorya?

Nang bumoto ng “No” sina Representatives Egay Erice at Richard Gomez laban sa expulsion, ipinakita nilang may mga mambabatas pa ring handang manindigan kahit taliwas sa agos. Ngunit kakaunti sila. Nanaig ang bilang. Nanaig ang mayorya.

Sa mga bumoto ng “YES” ang komento ni Palawan Rep. Jose Alvarez na sumasalamin sa damdamin ng mga buwaya sa Kongreso “KIKO, PUSANG INA MO.” Pero marami ang nagreact, lalo na mga kabataan, sa komento ni Alvarez at ito ang kanilang sagot “BUWAYA KA NG INA MO!”

Sa demokrasya, mahalaga ang boto ng nakararami. Ngunit kapag ang mayorya ay ginagamit upang patahimikin o alisin ang isang halal na kinatawan nang hindi kumbinsido ang publiko sa dahilan, nagiging mapanganib ito. Ang tawag dito ng ilan ay “tyranny of the majority.”

Marahil kaya tumatak sa isip ng marami ang simbolismo ng “pusa” at “buwaya.” Ang isyu ay hindi kung pusa nga ba si Barzaga o buwaya ang iba. Ang tunay na tanong ay kung bakit tila mas madaling alisin ang isang mambabatas kaysa panagutin ang mga opisyal na matagal nang inuusig ng mga alegasyon ngunit nananatiling protektado ng impluwensya at kapangyarihan.

Dapat ipaliwanag ng Kamara sa sambayanan kung bakit ito ang naging prayoridad nito. Ang kongresista ay kinatawan ng kanyang nasasakupan kaya paano maririnig ngayon ang distrito ni Barzaga sa Cavite?

The post ‘PUSA’ SINIBAK SA‘BUWAYA FARM’ first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pusa-sinibak-sabuwaya-farm/feed/ 0
MARAMING KONG, ILANG SEN IBINUKING SA FLOOD CONTROL PROBE https://remate.ph/maraming-kong-ilang-sen-ibinuking-sa-flood-control-probe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maraming-kong-ilang-sen-ibinuking-sa-flood-control-probe https://remate.ph/maraming-kong-ilang-sen-ibinuking-sa-flood-control-probe/#respond Thu, 04 Jun 2026 22:12:15 +0000 https://remate.ph/?p=729284 NAGPAPASALAMAT nang buo ang Lupa’t Langit sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee subcommittee ukol sa flood control scandal ng nakalipas na tatlong taon ng administrasyong Marcos. Bagaman hinarang sila sa una, pinagbuksan pa rin sila ng mga opisyal at tao ng Senado. Hindi rin sila pinatayan ng kuryente, sound system at internet […]

The post MARAMING KONG, ILANG SEN IBINUKING SA FLOOD CONTROL PROBE first appeared on Remate Online.

]]>
NAGPAPASALAMAT nang buo ang Lupa’t Langit sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee subcommittee ukol sa flood control scandal ng nakalipas na tatlong taon ng administrasyong Marcos.

Bagaman hinarang sila sa una, pinagbuksan pa rin sila ng mga opisyal at tao ng Senado.

Hindi rin sila pinatayan ng kuryente, sound system at internet kaya nasusubaybayan ng taumbayan ang buong kaganapan…ang pagsasalaysay ng 18 ex-Marines at sundalo ukol sa male-maletang kikbak ng matataas o pinakamatataas na opisyal ng bayan sa Palasyo at Kongreso.

Kasama na rito ang mga miyembro ng Makabayan bloc.

Nagpapasalamat din tayo na kinoberan ng lahat ng media ang mga pangyayaring ito at nakaaabot sa buong mundo ang mga aktuwal at tunay na balita sa usapin.

Ipinagtataka lang natin, mga brad, na walang sinomang nasa grupo nina Senador Tito Sotto ang dumalo sa kabila nang pagbibigay sa kanila ng grupo ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Maging ang mga isinasangkot na dalawang senador sa pagtanggap ng male-maletang salaping kikbak.

Ito’y para harapan nilang pasinungalingan ang mga salaysay ng ex-Marines at sundalo.

Napakaganda ring usapin ang sinasabi ng National Bureau of Investigation na binigyan ang mga Marines at sundalo ng tig-P5 milyon ni dating Congressman Mike Defensor bilang suhol para tumestigo sa SBRC investigation.

Bawat isa sa mga resource person ay pinabulaanan at hinamon ang source ng NBI na magpakita sa Senado at patunayan ang katotohanan dito.

Sabi ng mga resource person, ang totoo, sila’y naghihirap ngayon sa kawalan ng kita at may namatayan pa ng kapatid sa sakit na kanser dahil walang pampagamot.

Sana, magpapatuloy ang imbestigasyon hanggang sa lumabas na ang buong katotohanan sa malakihang kikbakan na ikinamamatay, ikinahihirap at ikinawawalan ng kinabukasan ng buong bayan.

The post MARAMING KONG, ILANG SEN IBINUKING SA FLOOD CONTROL PROBE first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/maraming-kong-ilang-sen-ibinuking-sa-flood-control-probe/feed/ 0
CLASSROOM GLOW UP SPARKS HOPE FOR LEARNERS https://remate.ph/classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners https://remate.ph/classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners/#respond Thu, 04 Jun 2026 22:10:33 +0000 https://remate.ph/?p=729282 A CHILD’S learning is deeply shaped by the environment where it takes place. When classrooms are clean, bright and welcoming, students become more motivated, focused and eager to learn. Recognizing this, HAPPINAY launched a meaningful initiative to improve education at the grassroots level through its Classroom Glow Up Project at Epifanio Delos Santos Elementary School. […]

The post CLASSROOM GLOW UP SPARKS HOPE FOR LEARNERS first appeared on Remate Online.

]]>
A CHILD’S learning is deeply shaped by the environment where it takes place. When classrooms are clean, bright and welcoming, students become more motivated, focused and eager to learn.

Recognizing this, HAPPINAY launched a meaningful initiative to improve education at the grassroots level through its Classroom Glow Up Project at Epifanio Delos Santos Elementary School.

The project officially transformed a basic classroom into a more inspiring and student-friendly space.

Led by HAPPINAY President Pilar Herbalorio with volunteers and partners, the effort included repainting, minor repairs and upgrading classroom facilities, creating a more organized and uplifting environment for both learners and teachers.

For Teacher Gail De Jesus, the transformation goes beyond physical improvements, becoming a source of encouragement that helps students feel valued and more excited to attend school each day while easing challenges faced by educators in delivering quality learning despite limited resources.

HAPPINAY also emphasized that meaningful change does not always require large-scale interventions, as improving basic learning spaces can already spark motivation, dignity and hope among young learners.

The group hopes to expand the initiative to more schools, ensuring every child has a classroom that inspires growth, creativity and a brighter future.

Malabon Congressman Antolin “Lenlen” Oreta III expressed gratitude to HAPPINAY for leading the Classroom Glow Up Project, saying it greatly contributes not only to improved school facilities but also to a safer, more organized and more inspiring learning environment for students.

He stressed that collaboration among organizations, volunteers and community sectors is essential in strengthening education and expanding opportunities for the youth, noting that every improvement in schools is an investment in the future of children.

The post CLASSROOM GLOW UP SPARKS HOPE FOR LEARNERS first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/classroom-glow-up-sparks-hope-for-learners/feed/ 0