Home SPORTS Cayanong namayagpag sa 5-Stag International Derby

Cayanong namayagpag sa 5-Stag International Derby

302
0

Muling namayagpag sa ruweda si sabong sensation Ka Rex Cayanong sa katatapos na 5-Stag Invitational Derby na binitawan sa Del Monte Cockpit Arena noong Biyernes.

Gamit ang entry name na Ka Rex 6-Stag Derby Nov. 22-23 San Pedro, umiskor si veteran broadcast journalist Cayanong ng perfect five points sapat upang mag solo champion sa pa derby ng Team EP Roosterville.

Sa katunayan ay tatlong kampeonato ang pinupog ng mga warriors ni Cayanong ngayong Setyemre kaya naman nakapagtala na agad ito ng apat na titulo ngayong 2025 at posibleng madagdagan pa dahil may mga sasalihan pa itong malalaking derby.

Nag co-champion si Cayanong sa 5-Stag Timbangan E.B Clean Up na ginanap sa Igay Mega Cockpit Arena noong Setyembre 9 at sa 6-Stag Super Big Event noong Setyembre 5 sa Sta. Rosa Coliseum.

Nakaraang taon lamang ay namayagpag si Chayanong sa mga derby na sinalihan kung saan ay kumubra ito ng ilang kampeonato at ngayon ay muli itong nagpaparamdam ng tikas sa ibabaw ng ruweda.

Samantala, tiyak na aabangan ang palaban ni Cayanong na Ka Rex BDay 6-Stag Derby Nov. 23 San Pedro kaya asahang magsasalihan ang mga tigasing breeders.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here