Home NATIONWIDE Cayetano rumesbak kay Lacson sa P700M gastos sa 28 araw sa Senado

Cayetano rumesbak kay Lacson sa P700M gastos sa 28 araw sa Senado

3
0

MANILA, Philippines – Hindi nanatiling tahimik si dating Senate President, ngayon Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa patutsada ni Senador Panfilo Lacson na nasayang umano ang P700 milyon na ginastos ng Senado sa loob ng 28 araw ng kanyang pamumuno.

Sa pahayag, sinabi ni Cayetano na gusto lamang niyang tugunan nang kaunti ang sinabi ni Lacson na nasayang ang pera noong si Alan Cayetano ang Senate President, P700M ang nagastos.

“Sabi ko, saan kaya galing yun? Tapos, sabi ko tutal, magaling mag-divide sila Sen Lacson. Very divisive. Dinivide ko. Kasi ang ginamit niya, 28 days daw ako naging Senate President. So tignan niyo po ha. Multiply muna. Multiply mo ang P25M na sinabi ni Senator Win na gastos ng Senate a day, i-multiply mo yun sa 28 days, baliktarin mo naman, division. P700 divided by 28 days is P25M,” ayon kay Cayetano.

Aniya, yan ang ginawa ni Senate President Sherwin Gatchalian sa pagtutuos kung magkano ang nagagastos ng Senado kada araw ng operasyon ng Mataas na Kapulungan.

“Tinignan niya lang yung budget ng Senado, tapos dinivide niya, nakuha yung P25M a day.,” ayon kay Cayetano. “So nasaan yung intellectual dishonesty? Nasaan ang pagtatago ng katotohanan?”

“Simple lang po. Kahit sino po ang Senate President, P25M a day ang gastos ng Senado, kung ganung kasimple ang computation mo. Meaning, yung budget ng buong Senado, divided by the number of calendar days,” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na may nabasa siyang quote na nagsasabinng “Statistic is like a bikini.”

“Ulitin ko ha? Statistics is like a bikini. Why? What it shows is very revealing, but what it hides is essential,” aniya.

“So makikita nyo po, ni-reveal niya, parang pang-intriga, di ba? Kasi magaling naman talaga silang mag-intriga eh. Nagte-take turns lang naman po. Si Raffy Tulfo, si Erwin Tulfo, si Senator Ping Lacson, tapos yung iba sa grupo nila, tag-team lang yun o, kayo naman manginis kay Alan,” ani Cayetano.

“Kayo naman magkalat ng hindi totoo. Kayo naman magkalat ng ganito. Palabasin natin ang gulo-gulo, di ba? Again, ano yung intent? Para hindi malaman ang buong katotohanan tungkol sa korapsyon sa ating bansa,” giit ng dating senate president.

Kasabay nito, tinugon naman ni Lacson ang naturang pahayag ni Cayetano sa pagsasabing iniiwasan lamang nito ang isyu sa P700 milyon na nagastos ng Senado na pera ng taumbayan

Lacson, Binanatan ang Disgrasyadong Ex-SP sa Tangkang Umiwas sa Isyu ng Nasayang na Pera ng Taumbayan na nasayang sa ilalim ng kanyang 28-araw na “pamumuno.”

Sa isa na namang mahabang Facebook Live Huwebes ng hapon, iginiit ni Cayetano, bukod sa iba pang pahayag, na gagastusin pa rin umano ng Senado ang humigit-kumulang P25 milyon kada araw sinuman ang Senate President.

“Tama naman — ‘Whoever was SP noon, ganun din ang gastos…’ Pero, output ang pinag-uusapan: trabaho sa plenaryo, hindi boycott; magpasa ng batas, hindi mag livestream sa Facebook. At kung ayaw tumulong, huwag na lang manggulo. Kaya nga sayang ang pera, kasi zero output,” ani Lacson sa X.

Nitong Huwebes ng umaga, kinastigo ni Lacson si Cayetano dahil sa umano’y pagsasayang ng hindi bababa sa P700 milyong pondo ng bayan habang pinamumunuan nito ang Senado, bunsod ng mga kontrobersiya at kapalpakan na nagmarka sa kanyang panunungkulan.

Ayon kay Lacson, kabilang sa mga ito ang insidente ng pamamaril sa loob ng Senado dalawang araw matapos maupo si Cayetano bilang Senate President; ang pagtakas ni Sen. Ronald dela Rosa habang nasa ilalim ng “protective custody” ng Senado; ang boycott sa mga sesyon ng blokeng pinamumunuan ni Cayetano; ang nabigong pagtatangka sa destabilisasyon; at mga pekeng pagdinig ng komite.

Natapos ang “delulu era” sa Senado noong Hunyo 3 nang sumama si Francis Escudero sa noo’y 11-miyembrong minorya upang makabuo ng quorum at maihalal si Sherwin Gatchalian bilang Acting Senate President. Pormal na nahalal si Gatchalian bilang Senate President sa special session ng Senado noong Hunyo 17.

“As per estimate made by the erstwhile Finance committee chairman, now SP Gatchalian, under the 2026 GAA, the Senate spends approximately P25M/day – salaries, allowances, MOOE, etc. Multiply that by 28 days of inaction and inactivity, it’s P700M,” ani Lacson. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here