Home HOME BANNER STORY Cayetano: Senate shake-up isang “illegal coup”

Cayetano: Senate shake-up isang “illegal coup”

50
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang lehitimong pinuno ng Senado at tinawag na isang “illegal coup” ang mga kamakailang pagbabago sa liderato ng kapulungan.

Ang pahayag ay kasunod ng sesyon noong Miyerkules kung saan nahalal si Sherwin Gatchalian bilang acting Senate President at Senate President Pro Tempore matapos makabuo ng quorum ang Senado sa pagdalo ni Sen. Francis Escudero.

Ayon kay Cayetano, hindi siya kusang magbibitiw at nananatili siyang Senate President hangga’t walang sapat at wastong proseso upang mapalitan siya. Nauna rin niyang sinabi na kailangan ang suporta ng 13 senador upang magkaroon ng lehitimong pagbabago sa liderato ng Senado.

Nag-ugat ang tensyon matapos ang ilang araw na hindi pagdaraos ng plenary sessions dahil sa pagliban ng mga miyembro ng majority bloc, habang nananawagan naman ang minority bloc na magbitiw si Cayetano sa puwesto.

Patuloy pa ang mga kaganapan sa Senado habang hindi pa malinaw kung paano mareresolba ang sigalot sa liderato ng kapulungan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here