Home METRO AFP: 660 NPA, na-neutralize mula Enero gang Mayo

AFP: 660 NPA, na-neutralize mula Enero gang Mayo

63
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na kabuuang 660 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army ang na-neutralize mula Enero 1 hanggang Mayo 28 ngayong taon.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kabilang sa bilang ang 574 na sumuko, 31 na naaresto, at 55 na napatay sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa.

Sa terminolohiyang militar, ang “neutralized” ay tumutukoy sa mga rebelde na sumuko, nadakip, o napatay sa operasyon.

Sa parehong panahon, nakarekober din ang mga tropa ng 461 na armas, 114 anti-personnel mines, at nawasak ang 30 kampo ng NPA.

Binigyang-diin ni Padilla na mas mahalaga umano ang pagbalik sa lipunan ng mga dating rebelde kaysa sa bilang ng mga na-neutralize at nakuhang armas.

Ayon pa sa AFP, umabot naman sa 2,018 NPA rebels at supporters ang na-neutralize noong buong 2025, kung saan 1,798 ang sumuko, 93 ang naaresto, at 127 ang napatay.

Narekober o isinuko rin ang 1,134 armas, 531 anti-personnel mines, at nakuha ang 149 kampo ng NPA noong nakaraang taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here