Home NATIONWIDE CCTV pinapalagay ng Senado sa lahat ng barko vs nawawalang seaman

CCTV pinapalagay ng Senado sa lahat ng barko vs nawawalang seaman

MANILA, Philippines – Hinikayat sa Senado ang pamahalaan na maglagay ng closed circuit television (CCTV) bilang bagong patakaran sa lahat ng barko, dayuhan man o local, partikular sa lugar na mapanganib na mahulog sa dagat.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on migrant worekrs hinggil sa sitwasyonng manggagawang nagtatrabaho sa abroad partikular ang nawawalang seaman, sinabi ni Senador Raffy Tulfo na dapat gawin nang bagong patakaran ang CCTV.

“Bakit natin hindi i-request na dapat yung mga barko ay ma-require na magkaroon ng CCTV? Ang gusto ko through the SOLAS Convention, i-require lahat ng barko sa buong mundo na merong mga seafarers,” ayon sa senador.

Nagbigay naman ng updates si Migrant Workers Secretary Hans Cacdac hinggil sa nawawalang Filipino seafarers, sa pagsasabing sinusuportahan nito ang suhestiyon ng mambabatas pero ibang ahensiya ang dapat magsulong nito sa SOLAS upang mapilitan ang dayuhang barko sa bagong sistema.

“Sa DMW, ang amin, together with the DOLE and the DFA is the Maritime Labor Convention at nandun din po ‘yung susog patungkol sa abandonment of seafarers na nasa Magna Carta [for Seafarers] din. So we could gladly provide information as to the next meeting of the Maritime Labor Convention Special Tripartite Committee in Geneva,” ayon kay Cacdac.

Sinabi ni DMW chief na matagal na nilang isinusulong ang paglalagay ng CCTVs sa lahat ng barko kabilang ang amendments sa implementing rules of regulations ng Magna Carta for Seafarers.

Kasabay nito, sinabi pa ng mambabatas na dapat pilitin ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng local na barko na maglagay ng CCTVs bilang bahagi ng panibagong patakaran.

Ilan sa mga kasong tinalakay sa pagdinig ang pagkawala ni Ralph Anthony Bobiles, who noong December 5,2024.

Sinabi ng DMW na nasa dalampasigan si Bobiles kabilang ang ilang crewmates isang araw bago siya mawala.

Ayon kay Cacdac, kasalukuyang naghihintay pa ang ahensiya ng report mula sa maritime authorities ng Panama dahil hindi sila kuntento sa ulat ng Kapitan na bigla na lamang itong nawala.

“Hindi pa rin tayo kuntento sa mga sagot na katulad ng siya ay nawala na lamang at wala nang iba pang kwento basta’t nawala na lamang siya. We don’t accept that of course,” ayon kay Cacdac.

“No indication of foul play with no adequate explanation kung anong nangyari [as to what happened]. Basta’t nawala na lang siya [Just that he disappeared] with the suggestion na it is upon his own doing ‘yung kanyang pagkawala but we are not accepting this at this stage,” giit ng opisyal.

Hiniling naman ni Ely Bobiles, ama ng nawawalang Filipino seafarer, na magbigay ang awtoridad ng mga sumusunod hinggil dito:

1. a copy of the CCTV footage

2. audio data recording of the ship

3. the captain’s report on the incident

4. a copy of the supposed 72-hour search and rescue

5. a copy of the investigation reports of the relevant ports

6. a copy of the port agent’s report

7. a copy of the US Customs and Border Protection report

iniimbestigahan din ng Senado ang iba pang kaso ng pagkawala tulad nina Jimbo Cadungog, Vincent San Diego, at Jeric Bueno. Tanging bangkay lamamg ni Bueno ang natagpuan. Ernie Reyes